‘Panhik Bhutan!’
Matapos ang napakatinding kagalakan Sanhi ng naabot at napagtagumpayan Ng Eat Bulaga sa telebisyong tanghalan,
Lumayas at nagpuntang Himalayas naman!
Nag-peregrinong muli ang isang dahilan Sa lugar na mataas at pasalamatan Ang S’yang nasa itaas sa aming nakamtan Na sa wari ko’y mahirap namang a-Bhutan! Korek! Lumipad sa Kaharian ng Bhutan! Sabihing nagbibiro lang eh kasi naman Sa t’wing ‘yang 40 years papasok sa usapan Eh bakit hindi ka naman kikila-Bhutan?! Nag-Camino na nitong taong nakaraan At pasasalamat kay Saint James pinadaan Para sa apat na dekada’y idinaan Sa paglalakad … pero sa Espanya naman! Sa nag-iisip du’y wala yatang simbahan Sapagkat Budismo kanilang nakagisnan, ‘Wag mag-alala at solusyon nagawan — Eh di nagdala ng sariling pari na lang! Si Father Noy sa Camino rin nakasama! At pagdating Bangkok nag-overnight na muna, Sumakay ng Drukair paggising sa umaga At sa tuktok ng mundo doon nga nagpunta!
May napansin lang ako sa plane s’yanga pala, May binibigay silang pantakip sa mata, Dapat yata pang-cover sa buong mukha na Upang matakpan din ‘yung mga nakanganga! Subalit ako talaga ay napanganga Sa aming piloto nang sya’y magmaniobra! Mga bundok kasi ang pinipinahan n’ya Paglapag sa Paro at napakaulap pa! Bago pa sa Bhutan magpunta’y nagbasa Ng tungkol sa mga kinakain nila At sa ilang Eats ay na-Bulaga kumbaga — Shakam Paa, Phaksha Paa at Sikam Paa! YAK! Not the National Animal pala nila!
Yeah, Phaksha Paa may beef and yak na kasama!
And if you love bacon na on the next level pa, With fried pork belly and chilies it’s Sikam Paa! Takin ang National Animal na talaga!
Body of a yak and head of a goat hitsura! And if you like noodles parang Japanese soba At gawa s’ya sa buckwheat eh di magputa ka!
‘Wag matakot sa Momos at dumplings lang ‘yan ba!
Pag nag-soup ng milk and vegetables eh Jaju ka! Basta sili at keso ay mayaman sila …
Chili ka lang and say Cheese nang laging masaya!
Gross National Happiness ang Bhutan kilala! Saya kaysa Man-ya ang pinipili nila! Ang kayamanan nasusukat sa ligaya! ‘Yun sa Bhutan tunay na ipinagkaiba! Kung nagyoyosi ka Nganga ka dito bata! Bawal happiness from yosi for your bunganga!
Merong kapalit ‘yung kay lolang nginangata —
Nganga! Na sa dulong letra ay may pakupya! Pagdating sa pananamit sila na pinaka! Halos lahat naka-National Costume nila! Gho sa lalaki at sa babae ay Kira At wala nga palang traffic lights sa kanila!
Kaya alam n’yo nang no road rage sa kanila, Walang aabot korte dahil kortesiya! ‘Di nga pinapatay kahit anong hayop pa! Lahat ng karne dun imported pa sa India! Ngunit dito sa ginawa kong Panhik Bhutan, Noong August 7 I pressed the Panic Button! Pero mahaba na kaya next column na lang,
Op kors Bhutan Ding este, Bhutan din usapan!