The Philippine Star

‘Moments To Memories ...To Mammaries?’

- JOEY DE LEON

Talagang habang tao’y nasa Cuarentena, Maraming nagagawa at naaalala! Sa dami ba naman ng oras sa kamay nya,

Mahina ka na lang kung magmumukmo­k ka!

Ang pagsusulat sa aki’y nagpapasay­a, Wagi sa akin pag sarili’y napatawa! Television talaga pinakapahi­nga At sa social media may konting binabasa!

At nung May 5 may nakita akong maganda —

Post ni Mike Enriquez ‘di ko alam kung kanya!

Basta tungkol “moments” at sa kanyang halaga

Paglipas panahon at “memory”na lang sya!

Dun sa mga millennial­s at wala pang linya, Ibabahagi lang ilang pagkakaiba — Tulad makakatiki­m lang ng CocaCola

Kapag may natira sa baso ang bisita!

Ngek! Hindi yan! Sa akin lang yan na istorya! Sweldo ko nun Two Hundred Pesos a month lang ba Pero sa buong Pilipinas na’y kilala! Dahil inaabot ng radyo malawak na!

Sigarilyo ko pa nun Pall Mall o Salem pa! Taxi nga lang kaya ako ay bumarkada Sa mga hijo de pu… este, puro pera!

Naka-Tsekot na ‘ko, Cadillac-kad hindi na!

Noon, Slum o Slam Book ang social media! Up to now ang spelling hindi sigurado pa!

“What is Love?” at “Describe your crush” ang nangunguna,

But now may video pa, no questions asked… Hubad Na!

Ayon pa rin kay Imbestigad­or na lista,

Noon nakaka-Dyahe pag half slip nakita! Ngunit ngayon kahit labas ang

panty at bra, Pati kuyukot at pusod balewala na!

Nung araw nga nagtatakip pa ang dalaga Ng abaniko kapag siya ay tatawa, Kunsabagay ngayon kahit ‘di tumatawa,

Nakatakip ng face mask kahit sa’n magpunta!

Noon pagyuko ng isang Maria

Clara,

Tutop na ng kamay ang dibdib kapagdaka! Ngayon pag may babaing nagtali ng

shoes nya, Lalaking nandun nakasunod mga mata!

Kung sa kabila ng bakod ako pupunta,

Dahil ako’y isinilang na isang Libra,

Ating timbangin at wag lagyan ng malisya,

Mga babae nun wala ngang suot na bra!

Aha! Kaya siguro mga boys nung una,

Nag-iigib, nagsisibak, nanghahara­na Upang makita ang dalaga na walang bra!

Ano kaya masasabi ni Tandang Sora?

Subalit nagbabago ang tao talaga, Pagkapanga­nak mo nga nila-lullaby ka,

Time goes by… from Lullaby to Lola… then Bye na! ‘Di gaano kultura, higit sa postura!

Naturalmen­te sumasabay din dyan moda At mga dahilan din nama’y iba-iba Tulad na lang kung bakit nagkaroon ng bra,

Sa mga Pinay minana lang at gumaya!

Nung una pangsapo lang sa dibdib talaga, Hindi pa talukap at tasa bawat isa! Iba naman kung bakit nagsuot sa Pransya — Nang matakpan mga hickey at kiss marks nila!

Hindi kaya acronym lang salitang BRA?

Bagsak Remedyo’t Alalay hindi kaya sya?

Nabanggit ang Tasa kasi may Cup size sila!

At kung walang bra magka-Capsize ang dalawa!

Ang tasa ay kaugnay sa pagiging inaNg isang babae pagkat dun makukuha

Ang pagkain at sustansya nyang dala-dala

Para sa atin nung tayo pa’y kinakarga!

Moments to Memories to Mammaries napunta? Ngek! Yan ang nagagawa ng La Cuarentena!

Like a newborn baby ang feeling ko talaga

Pagkat sa quarantine tulog nang tulog lang ba!

 ??  ?? Quarantine Baby — Jakob Ethan, unang apo namin ni Eileen from Jak and Gill, that’s our son Jako and his wife Gillian. Gill on lockdown on May 1 broke her water and Jakob came crying after!
Quarantine Baby — Jakob Ethan, unang apo namin ni Eileen from Jak and Gill, that’s our son Jako and his wife Gillian. Gill on lockdown on May 1 broke her water and Jakob came crying after!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines