Watchmen Daily Journal

Angeline shuts up bashers claiming she is threatened by Regine's transfer to ABS-CBN

- (Bernie Franco, Pep.ph)

Hindi pinalampas ni Angeline Quinto ang akusasyon ng ilang bashers na kinakabaha­n diumano siya sa napipinton­g paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Nitong weekend, ipinost ni Regine sa kanyang Instagram account ang announceme­nt na magiging parte siya ng pagtatangh­al ng Kapamilya Sunday musical-variety show na "ASAP" sa Sydney, Australia, sa October 20.

Indikasyon itong magiging Kapamilya na nga si Regine pagkatapos ng 20 taong pananatili sa GMA-7.

Sa comments section, isa sa mga bumati kay Regine ay si Angeline, isa sa mainstays ng ASAP.

Sabi ni Angeline, "Magandang umaga po sa aming Reyna... I love you idol."

Pero may ilang netizens na tila tinakot si Angeline sa paglipat ni Regine.

Sabi ng isang basher, "lalo ka nang naging tunog pirated pag nanjan na si miss Reg."

Hindi naman ito pinalampas ni Angeline.

Buwelta ng 28-anyos na singer, "Mas masarap sa pakiramdam Kiel, na makita mong nasa harapan mo na lahat ng pangarap mo, kesa makagawa ng masama sa kapwa mo.

"Totoo yan. Sana happy ka na. Kasi masayang masaya ako."

May isa ring netizen na tinawag na "plastic" si Angeline.

Komento ng basher, marahil daw ay maraming Kapamilya singers, kabilang na si Angeline, na hindi ikinatutuw­a ang paglipat ni Regine sa ABS-CBN dahil mapupunta ang atensiyon ng mga manonood sa Asia's Songbird.

"Be True. If I know all the singers there in channel 2 are annoyed by the transfer of regine as she will be given the spotlight and it will be taken from neophytes in the industry like you. Ha ha ha ha! Don't be plastic, dear. You might cursing her for all we know."

Sagot dito ni Angeline, "Hindi naman tayo pareho. Magkaiba naman tayo kung ganyan ang ugali mo hindi naman kami ganyan.

"Saka respeto naman sa post ni Ms. Reg. Dito pa talaga kayo nagse send ng ganyang mga salita. God bless you anyway."

 ??  ?? Angeline Quinto replies to netizens who commented that ABS-CBN "neophyte" singers, like her, are threatened by Regine Velasquez's transfer to the Kapamilya network.
Angeline Quinto replies to netizens who commented that ABS-CBN "neophyte" singers, like her, are threatened by Regine Velasquez's transfer to the Kapamilya network.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines