Watchmen Daily Journal

Carmina Villarroel dismisses possible comparison with Regine Velasquez

- (Rachelle Siazon, Pep.ph)

Aminado si Carmina Villarroel na hindi maiiwasang magkaroon ng iba't ibang reaksiyon sa pagpalit niya kay Regine Velasquez bilang host ng GMA‐7 newly‐reforma ed show na “Sarap ‘Di Ba?”

Pahayag ni Carmina, “Let's not compare because she's the Songbird. And I'm just a frustrated singer.

“Magkaiba kaming dalawa.” Lalo na't sa pagkakaala­m ni Carmina ay suportado raw ni Regine ang pagpili sa kanya bilang host ng show.

“I heard na when she found out na ako ‘yung susunod sa kanyang yapak bilang Songbird, ang alam ko, she was happy.

“Parang she wanted pa to endorse me. Nung nalaman ko ‘yun, awww... Very thankful naman ako.

“Kasi hindi naman kailangan, pero nag‐offer siya. Hindi na nga lang nangyari kasi ‘di na nga nangyari.”

Da ng may tulo na “Sarap Diva,” ang parehong weekly cooking-talk show ay pinangunah­an ni Regine bilang host sa loob ng anim na taon hanggang sa huling appearance ng Songbird noong Sabado, October 13.

Noong September 24 naanunsiyo na si Carmina at ang mga anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi ang papalit kay Regine, matapos magdesisyo­n ng Asia's Songbird na umalis ng Kapuso Network at lumipat ng ABSCBN.

Hindi man daw sila nabigyan ng pagkakatao­ng magkausap ni Regine, sapat na kay Carmina ang suportang ipinamalas ni Regine nang i-retweet nito ang promo ng GMA-7 sa bagong show nilang mag-iina.

“Ay, ang saya naman!” nakangi ng saad ni Carmina.

“Kasi makikita mo naman... Siguro hindi naman sila nagkaroon ng masamang paghihiwal­ay, e.

“Labas naman ako dun. So, hindi rin ako talaga makapagrea­ct nang mabu .”

Dagdag pa ni Carmina, “You know, my heart is just so full. It’s just all so posi ve, all happy thoughts sa gesture ni Ms. Regine.

“Thank you dahil nireretwee­t niya. Makikita mo rin naman talaga yung pagmamahal niya sa show. So I'm very thankful.”

Nabanggit din ni Carmina na mismong mister niyang si Zoren Legaspi ang nagudyok na tanggapin agad ang proyekto.

“Actually, sa totoo nga po, siya po talaga ang nagsabi sa akin na, ‘Hon, tanggapin mo na. Huwag ka nang mag-isip. Tanggapin mo na.'

“So eto, nanggap ko na. Masunurin naman ako.”

Natawa naman si Carmina nang tanungin kung bakit hindi pa isinama si Zoren para buong pamilya na silang hosts ng show.

“Baka naman sabihin nila napakagani­d na namin kung pa siya, e, kasama pa dito.

“Pero kung may budget pa, why not? Baka naman. Kasi mas masaya kung pamilya ‘di ba?

“Pero sa ngayon, he's just very thankful.”

 ??  ?? Carmina Villarroel on gaining Regine Velasquez’s support in her GMA-7 show “Sarap ‘Di Ba?:” “You know, my heart is just so full. It’s just all so positive, all happy thoughts sa gesture ni Ms. Regine.”
Carmina Villarroel on gaining Regine Velasquez’s support in her GMA-7 show “Sarap ‘Di Ba?:” “You know, my heart is just so full. It’s just all so positive, all happy thoughts sa gesture ni Ms. Regine.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines