Watchmen Daily Journal

Arnell Ignacio defends Regine Velasquez from bashers

- (Arniel Serato, Pep.ph)

Ipinagtang­gol ni Arnell Ignacio si Regine Velasquez laban sa bashers na binaba kos ang Asia's Songbird dahil sa desisyon nitong lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Opisyal nang Kapamilya si Regine matapos pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN noong October 17.

Ayon sa ilang ne zens, parang wala raw utang na loob si Regine dahil iniwan nito ang GMA-7 na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon at nagpasikat sa kanya nang husto.

Sa kanyang Facebook post kahapon, sinabi ni Arnell na tama lang ang naging hakbang ng kaibigang singer‐actress.

Ayon pa sa Overseas Workers Welfare Administra on (OWWA) deputy execu ve director, wala nang paglalagya­ng programa kay Regine sa GMA-7 upang ma-highlight ang talento nito sa pagkanta.

Buwelta ni Arnell sa bashers, "'Yung mga bumaba kos kay Regine na ang sasakit ng sinasabi pero walang nalalaman sa kalakaran ng entertainm­ent, e, ang sasarap niyong pagsasampa­lin.

"Saan mo ba lalagay si Regine sa programa ng 7 sige nga?

"Saan mo siya pakakantah­in na programa ng 7?

"Ano naman 'yung comment ng 'paiyak‐iyak pa, I see the peso sign?'

"Sarap mo dagukan. Ano ba sa ngin niyo si Regine, welfare officer?

"Trabaho niya kumanta at may bayad 'yun natural.

"Kung malaki ibabayad sa kanya ano nakakapagt­aka run.

"E, si Regine Velasquez yan."

Kasunod nito, sinabi rin ni Arnell na pinagdaana­n ni Regine ang lahat ng hirap sa industriya­ng ito kaya dapat ay respetuhin ang mga desisyon nito.

Saad niya, "Regine is a friend of mine way back na Chona Velasquez pa 'yan at sinisingit-singit lang namin sa sing‐along sa BBs kapag wala na kaming joke.

"This woman went through all the test of an entertaine­r and she passed all these with exemplary grades with even more to give.

"Sa inyo na walang alam be, thankful that we have Regine Velasquez.

"Listen to her singing enjoy it and shut up."

Nagpasinta­bi rin si Arnell sa mister ni Regine na si Ogie Alcasid dahil hindi niya napigilan ang sariling ipagtanggo­l ang kaibigan.

Aniya, "Sensya na bro Ogie Alcasid hindi ko na napigilan."

Si Arnell ay da ring contract ar st ng GMA‐7.

Ilan sa mga programang ginawa niya sa Kapuso network ay ang game shows na "GoBingo, Golympics," "Text Game Show," at "K! The 1 Million Peso Videoke Challenge."

 ??  ?? Arnell Ignacio on Asia's Songbird Regine Velasquez: "Trabaho niya kumanta at may bayad 'yun natural. Kung malaki ibabayad sa kanya ano nakakapagt­aka run. E, si Regine Velasquez 'yan."
Arnell Ignacio on Asia's Songbird Regine Velasquez: "Trabaho niya kumanta at may bayad 'yun natural. Kung malaki ibabayad sa kanya ano nakakapagt­aka run. E, si Regine Velasquez 'yan."

Newspapers in English

Newspapers from Philippines