Nash on Sharlene: 'Ang daming naghihintay na may love team kami'
Sasabak sa isang suspense‐thriller film si Nash Aguas kasama sina Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray. Titled "Class of 2018," ang movie na produced ng T‐Rex Produc/ons ay sa ilalim ng direksiyon ni Charliebebs Gohe/a. I/nuturing ni Nash na "breather" ang nasabing pelikula mula sa mga TV drama projects na ginawa niya sa ABS-CBN. Pahayag ng young actor, "Actually, hinga ito from 'The Good Son.' Sobrang bigat po kasi ng 'The Good Son' kaya kailangang magbanlaw. Feeling ko ito rin 'yung banlaw ko for me and for the audience." Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nash sa presscon na ginanap kamakailan. Ipinaliwanag ni Nash kung bakit niya sinasabi na "banlaw" ang film project na ito: "Ever since, kung papansinin niyo po, a er 'Bagito,' sobrang bigat. Nag-'Doble Kara' ako na slight lang hindi naman ganon kabigat. Tapos nag-'The Good Son,' then ito naman, 'Class of 2018.'" Ibig sabihin ba nito, hindi masyadong mabigat ang "Class of 2018?" Tugon niya, "Para sa akin, hindi siya ganon kabigat. Parang...kasi masaya siyang gawin, e, kaya nag-i-enjoy ako. "Hindi naman sa hindi masaya ang 'The Good Son' pero stressful pong gawin 'yung 'The Good Son.'" Isa sa nakadagdag sa excitement ni Nash ay ang pagsabak niya sa mga ac/on scenes sa pelikula. Ayon sa 20-year-old Kapamilya star, "'Yun po ang isang way para matry ko naman 'yung… gusto ko po laging nagtatry ng bago. So, pangarap kong maging ac/on star ever since bata [ako]. "Parang, ewan ko, may feeling ako na kapag nagac/on star ako, parang nakakalalake nang sobra. Bagamat kinumpara ni Nash sa Hollywood blockbuster movie na "John Wick" ang mga ac/on scenes sa kanilang pelikula, wala raw silang ginawang mar/al arts training bago sumalang sa shoo/ng. Sa "Class of 2018," si Sharlene ang love interest ni Nash. Ayon kay Direk Charliebebs, binuo nila ang team-up nina Sharlene at Nash para pagbigyan ang mga sumusuporta sa tambalan ng dalawa sa social media. Sinegundahan rin ito ng young actor at sinabing marami silang mga fans na gusto silang mapanood na magkasama sa isang movie. Ani Nash, "Feeling ko, ang dami rin kasing humihingi. Ang daming naghihintay na may love team kami.