Watchmen Daily Journal

Kobe Paras posts cryptic message about user-friendly people

-

Nagpahagin­g si Kobe Paras ng mensahe sa tila naengkuwen­tro niyang user-friendly people.

Si Kobe ay anak ng exmarried couple na sina Benjie Paras at Jackie Forster.

Kasalukuya­n siyang miyembro ng basketball team ng University of the Philippine­s, o kilala bilang UP Maroons.

Hindi idinetalye ni Kobe kung may partikular na insidenten­g nag-udyok sa kanyang ibahagi ang malamang mensahe sa Twitter account niya November 6 ng gabi.

Sabi ni Kobe: "most people these days gon love you for what you are, and not for who you are.

"that's why be careful who you trust.

"people will only be by your side when you're useful for them."

Ang screen shot ng tweet niya ay ipinost din ni Kobe sa kanyang Instagram Story.

Kalakip nito ang karagdagan­g text na nagsasabin­g, "facts and only facts..."

STRONGER BECAUSE OF FAMILY

Kung anuman ang pinagdadaa­nan ni Kobe, tila napawi naman ito ng pakikipagp­alitan niya ng mensahe sa inang si Jackie.

Sa hiwalay na Instagram post ni Kobe, ibinahagi niya ang litrato ng kanyang tatlong nakababata­ng kapatid sa ina.

May maiksi itong caption: "my whole

[world emoji]."

Komento ni Jackie sa post ni Kobe: "We miss you soooo much! But I'm excited for you and your holidays [Christmas tree emoji] and also the future for us all! Day by day my love."

PREVIOUS RECONCILIA­TION

Lubos ang pagmamahal­an sa pagitan ni Jackie at Kobe, lalo na't noon lang January 2018 sila nagkita matapos ang 12 taong hindi nila nakapiling ang isa't isa.

Unang nagkita ang mag-ina sa U.S., kung saan nakabase noon si Kobe.

Nagkaroon din ng pagkakatao­n si Jackie na personal na makita si Andre Paras, ang panganay na anak ng dating aktres kay Benjie, noong April dito sa Pilipinas.

Hanggang sa kasalukuya­n, patuloy ang magandang komunikasy­on sa pagitan ni Kobe at Jackie.

 ??  ?? Isang bahagi ng matalinhag­ang tweet ni Kobe Paras noong November 6 ng gabi: "people will only be by your side when you're useful for them."
Isang bahagi ng matalinhag­ang tweet ni Kobe Paras noong November 6 ng gabi: "people will only be by your side when you're useful for them."

Newspapers in English

Newspapers from Philippines