Watchmen Daily Journal

Paolo Ballestero­s posts photo with rumored new boyfriend on Instagram

Isa na namang larawan ni Paolo Ballestero­s at ng bagong rumored boyfriend niya ang na-post sa Instagram kahapon.

- (Bernie Franco, Pep.ph)

Si Paolo mismo ang nag-post ng larawan kasama ang sinasabing bagong boyfriend na nagngangal­ang Kenneth Gabriel Concepcion. Sa larawan, makikita sina Paolo at Kenneth na kumakain sa isang restaurant. Tanging cap on dito ng 35-year-old Eat Bulaga! host: "siopao and steaks." Sinamahan niya ito ng emojis ng pusa at oso. Sa previous post ng dalawa, lumalabas na pusa at oso ang terms of endearment nila sa isa't isa. "Oso" ang tawag ni Kenneth sa sarili habang kilalang cat-lover si Paolo. Sa comments sec on, bumuhos ang panunukso ng ne zens kina Paolo at Kenneth.

PREVIOUS POSTS

Sa restaurant­s ang lokasyon ng mga naunang nai-post na mga larawan nina Paolo at Kenneth. October 28 nang unang mag-post si Kenneth ng larawan nila ni Paolo habang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City. Kumalat sa social media ang larawan at naintriga ang ne zens. Ang iba naman, inisip agad na si Kenneth ang bagong boyfriend ni Paolo. Maging ang mga kaibigan ni Kenneth ay tinutukso siya kay Paolo. Nagkokomen­to rin si Paolo sa mga post ni Kenneth. Makalipas ang isang linggo, noong November 4, nag-post din ng larawan sa social media ang mga kaibigan ni Kenneth. Dito ay makikitang kasama nila sina Kenneth at Paolo habang kumakain sa isang restaurant sa Biñan, Laguna.

PREVIOUS RELATIONSH­IPS

Sa social media rin nalaman ng publiko ang dating mga relasyon ni Paolo. April 2017 nang unang mag-post si Paolo sa social media kasama ang dancer na si Roland Ochoa Anog. Pagkalipas ng isang buwan, may mga lumabas na ulat na nagbreak na umano sila. Noong April 2018 naman ay napabalita ang diumano'y relasyon ni Paolo sa model-actor na si Sebastian Castro, kasunod ng paglabas ng mga larawan nilang magkasama sa La Union. Pagdating ng June 2018, may makahuluga­ng post si Sebastian tungkol sa breakup. Sa mga pagkakatao­ng nai-interview ng press si Paolo, iwas at matipid ang mga sagot ng "Eat Bulaga!" host tuwing natatanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

 ??  ?? Nananatili­ng tahimik si Paolo Ballestero­s tungkol sa mga larawan nila ng isang Kenneth Gabriel Concepcion, na sinasabing bagong boyfriend ng TV host-actor.
Nananatili­ng tahimik si Paolo Ballestero­s tungkol sa mga larawan nila ng isang Kenneth Gabriel Concepcion, na sinasabing bagong boyfriend ng TV host-actor.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines