Paul Salas breaks si­lence on breakup with Bar­bie Im­pe­rial

Pabirong iti­nanggi ni Paul Salas, 20, na naghi­walay sila ni Bar­bie Im­pe­rial, 20.

Watchmen Daily Journal - - Fun. Entertainment. Emotions. Lifestyle - (Arniel Ser­ato, Pep.ph)

Ito ay dahil hindi na­man daw sila umamin pub­licly na naging sila.

Natatawa niyang sabi, “Parang hindi na­man namin in­amin na kami!”

Pero seryoso niyang dagdag, “Naging spe­cial si Bar­bie sa puso ko so, ayun, ‘di lang talaga nag­work.

“Pero happy ako sa mga achieve­ments niya sa life ngayon.”

Bakit ba sila “naghi­walay” noon?

Tugon ni Paul, “Hindi lang kami nag-work. ‘Yun.”

Kasabay ng kani­lang breakup ay naging malak­ing balita ang pananakit di­u­mano ni Paul kay Bar­bie.

Sa ka­bila ng mga akusasy­ong ito, nana­natil­ing tahimik si Paul.

Ayon sa bi­nata, hindi na raw sila naka­pag-usap pagkat­a­pos nito.

Humingi ba siya ng dis­pensa sa Ka­pam­ilya ac­tress?

Sagot ng Ka­puso ac­tor, “Hindi... Ac­tu­ally, nung una kasi, okay na­man kami, okay na­man po, na­pag-us­apan na­man nam­ing okay kami.”

Pero pag-iwas ni Paul, “Basta po mga about sa ganyan [in­triga], ayoko na po mu­nang anuhin [pag-us­apan].”

Dahil sa pangya­yari, nabash nang husto si Paul.

Ngu­nit ayon sa ak­tor, “Wala, dini-deadma ko na lang.”

Ek­sklusi­bong nakausap ng PEP.ph (Philip­pine En­ter­tain­ment Por­tal) si Paul noong Huwebes ng hapon, Novem­ber 8.

HAPPY FOR BAR­BIE

Sa­man­tala, nau­ug­nay ngayon si Bar­bie sa lead­ing man niya sa katat­a­pos lang na ABS-CBN drama se­ries na “Araw Gabi,” si JM de Guz­man.

Ano ang masasabi ni Paul tungkol dito?

Tugon niya, “Iyan, wala akong balita diyan. Kung sila at happy sila, e, ‘di good luck sa kanila.”

Nag­paabot rin ng men­sahe ang bi­nata sa da ng girl­friend.

Sabi ni Paul, “Ayun, happy nga ako sa mga achieve­ments mo sa life, and sana mag­tu­luy­tu­loy ang pag-akyat ng ca­reer mo.”

Paul Salas to ex-girl­friend Bar­bie Im­pe­rial: “Happy nga ako sa mga achieve­ments mo sa life and sana mag­tu­luy-tu­loy ang pag-akyat ng ca­reer mo.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.