Sam­mie Ri­mando con­firms breakup with Arjo Atayde; keeps mum about Maine Men­doza

Watchmen Daily Journal - - Fun. Entertainment. Emotions. Lifestyle -

In­amin ng Gir­lTrends mem­ber na si Sam­mie Ri­mando na hi­walay na sila ng ak­tor na si Arjo Atayde.

Ito ay mat­a­pos ang mahigit isang taon ni­lang re­lasyon.

“Okey na­man po ‘yung breakup namin. Hindi na­man po bad breakup,” pag-amin ni Sam­mie sa panayam ni DJ Jhai Ho para sa Hotspot 2.0 ng ABSCBN Face­book page noong No­vem­ber 7.

Ipinali­wanag ni Sam­mie kung bakit wala si­lang samaan ng loob ni Arjo sa ka­bila ng breakup nila.

Aniya, “It’s for the be#er na­man po.

“Na­pagde­sisyu­nan namin na, sa ngayon, fo­cus muna ako sa ca­reer ko din.

“Siya din. An­dami niyang projects. Happy ako para sa kanya.

“Nan­dun pa rin full sup­port ko sa kanya.”

Kahit pa­paano ay may ko­mu­nikasyon pa rin daw sila sa isa’t isa.

Ani Sam­mie, “Sig­uro text­text... Hindi na­man tu­luy­tu­loy. Ku­mus­ta­han, ga­nun.”

Ilang linggo na ring us­a­pusapan sa so­cial me­dia kung sila pa ba ni Arjo, lalo’t nau­ug­nay ang ak­tor sa Ka­puso TV host-ac­tress na si Maine Men­doza.

Nagkak­i­lala sina Arjo at Maine nang magka­tra­baho para sa Metro Manila Film Fes val 2018 en­try na “Jack Em Popoy: The Pulis­cred­i­bles.”

Makailang-be­ses na­man si­lang na­mataang magkasama sina Arjo at Maine sa labas ng set.

Ni­tong nag­daang Hal­loween break, na­mataan ang dalawa at iba pang kasama­han na nag­babakasyon sa Bali, In­done­sia.

Pero nang hin­gan ng reaksyon si Sam­mie hing­gil sa pagkakaug­nay ni Arjo kay Maine, tu­mang­ging magko­mento ang Gir­lTrends mem­ber.

Sam­mie Ri­mando on breakup with Arjo Atayde: “It’s for the bet­ter na­man po. Na­pagde­sisyu­nan namin na, sa ngayon, fo­cus muna ako sa ca­reer ko din.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.