Watchmen Daily Journal

Will Jake Zyrus invite Oprah Winfrey to his wedding?

- (Rose Garcia, Pep. ph)

Umpisa pa lang kumustahin ng entertainm­ent press si Jake Zyrus tungkol sa pagiging engaged niya sa girlfriend niyang si Shyre Aquino, pero umiwas na ito agad tungkol sa isyu

Mas gusto raw nilang sa kanila na lang muna ang ilang detalye ng magiging kasal nila.

Paliwanag niya, “Parang okay na po kami na alam ng mga taong engaged kami, pero ‘yung mga details, since sa book pa lang, parang buong buhay ko nandiyan na.

“Parang there’s part of our lives na gusto namin, sa amin na lang.”

Dugtong niya, “Of course, malalaman naman.

“Pero ‘yung mga details, sa amin na lang.”

Ang tinutukoy na libro ni Jake ay ang kanyang autobiogra­phy na pinamagata­ng I Am Jake, na inilabas niya nitong nakaraang Setyembre.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainm­ent Portal) si Jake sa ginanap na presscon ng biggest charity music festival of the year ng Frontrow kunsaan kasama si Jake at iba pang mga kilalang artists sa bansa.

Isa sa mga high-profile na ninang ni Jake nang binyagan ito ay ang sikat na Hollywood host/producer na si Oprah Winfrey.

Natawa si Jake nang tanungin ito kung imbitado ba ang ninang niya.

“Aba, kung hindi siya busy, mag-private jet na lang,” saad niya.

“Pero lahat naman ng importante­ng tao sa buhay ko invited, kung kumpleto na po ang lahat.”

 ??  ?? Jake Zyrus on being asked if he will invite his ninang Oprah Winfrey to his wedding to fiancée Shyre Aquino: “Aba, kung hindi siya busy, mag-private jet na lang. Pero lahat naman ng importante­ng tao sa buhay ko invited, kung kumpleto na po ang lahat.”
Jake Zyrus on being asked if he will invite his ninang Oprah Winfrey to his wedding to fiancée Shyre Aquino: “Aba, kung hindi siya busy, mag-private jet na lang. Pero lahat naman ng importante­ng tao sa buhay ko invited, kung kumpleto na po ang lahat.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines