Vice Ganda's mom on TV host-co­me­dian's re­la­tion­ship with Calvin Abueva: 'I ac­cept them'

Watchmen Daily Journal - - FUN. ENTERTAINMENT. EMOTIONS. LIFESTYLE - (Bernie Franco, Pep.ph)

Kinum­pirma ng ina ni Vice Ganda, si Rosario Viceral, na naki­lala na niya ka­makailan ang PBA player na si Calvin "The Beast" Abueva.

Si Calvin, 30, ay nali‐link ngayon kay Vice, 42.

Higit isang linggo na ang nakalili­pas, lum­abas sa so­cial me­dia ang larawan nina Vice at Calvin sa isang bar sa Bo­ra­cay.

Pali­wanag ng "It's Show me" host, pumunta siya ng Bo­ra­cay noong nakaraang linggo para mag­bakasyon kasama ang ina.

Nagkataon lang daw na nan­doon din si Calvin para bisi­tahin ang kapa d ni­tong nasa isla.

Vice Ganda de­nies Calvin Abueva fol­lowed him to Bo­ra­cay

Sa morn­ing show na "Ma­gan­dang Buhay" ka­hapon, ik­in­uwento ng ina ni Vice kung paano siya ip­inaki­lala ng anak kay Calvin.

La­had ni Nanay Rosario, "Kasi magla-lunch kami, e.

"May lunch kami, 'tapos nung nan­dodoon na ako, sabi niya [Vice], 'Nay, may bisita ako, ha!'

"'Okay lang, 'nak,' sabi ko.

"So 'yun, duma ng sila, ip­inaki­lala niya ako.

"That's it. I met them." Inu­sisa rin si Nanay Rosario kung alam niya ang pagkaka-link ng kanyang anak sa bas­ket­ball player.

Sagot ng ina ni Vice, "Nung sa Show me nga itong lately, pag­ba­lik ko, 'yun bang mga biru-biruan, na­pa­pansin ko.

"So, nanong ko 'yung apo kong babae, 'Anak, ano 'yun?' sabi kong ga­nun. 'Eto, ipakikita ko sa 'yo, 'Nay.'"

FIRST IM­PRES­SION ON CALVIN

Ano ang first im­pres­sion ni Nanay Rosario kay Calvin?

Aniya, "Wala na­man akong ano… kasi I didn't even look at his face, re­ally.

"Kasi bisita nga siya ni Tu­toy [palayaw ni Vice], ayoko na­mang titit­i­gan ko sila na ano...

"Basta nagkating­i­nan lang kami nung ip­inaki­lala niya sa 'kin. That's it."

Ano ang reak­siyon ni Nanay Rosario na vo­cal sa pagsasabi sina Vice at Calvin na masaya sila sa com­pany ng isa't isa?

Tu­gon niya, "That will be nice. Ma­ganda. Masaya.

"Kasi hindi sila nag-oopen up sa akin, so ako na­man, nasa edad na­man na sila… parang wala na akong kara­p­atan pa na fire pa.

"So, what­ever comes." Dagdag pa ni Nanay Rosario, "I wel­come them. I ac­cept them.

"Kung saan sila masaya, masaya na rin ako."

Vice Ganda's mother, Rosario Viceral (right), on Vice's in­volve­ment with PBA player Calvin Abueva: "Nasa edad na­man na sila… parang wala na akong kara­p­atan pa na mag-usi-usisa pa."

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.