Arjo Atayde de­nies tak­ing a swipe at Alden Richards’s Michael Bu­ble gaffe

Inalma­han ni Arjo Atayde ang es­peku­lasy­ong pinatu­tut­sada­han niya si Alden Richards sa kanyang pag-post ng kanta ni Michael Bublé noong De­cem­ber 3.

Watchmen Daily Journal - - FUN. ENTERTAINMENT. EMOTIONS. LIFESTYLE - (Rachelle Si­a­zon, Pep.ph)

Sa In­sta­gram Story ni Arjo, makikita ang screen­shot ng kan­tang "Ev­ery­thing" ni Michael Bublé mula sa Spo fy na pinakik­ing­gan ng Ka­pam­ilya ac­tor.

Ini­lathala ito ng isang gos­sip blog site gamit ang head­line na: "Is This Arjo Atayde's Re­sponse to Alden Richards' Mis­pro­nun­cia on of Michael Bublé?"

Ito ay mat­a­pos ku­malat sa so­cial me­dia ang video clip kung saan hindi sinasadyang nagka­mali si Alden nang pag­bigkas ng ape­lyido ng Cana­dian singer, sa live tele­cast ng GMA‐7 noon me show na "Eat Bu­laga!" ka­makailan.

Mari­ing pinab­u­laanan ni Arjo ang pag-ug­nay sa kanyang post kay Alden.

Ba­lik-sagot ni Arjo sa gos­sip blog site: "First of all I have no Idea what you're talk­ing about.. please read the lyrics it’s not for him"

Isa sa hit songs ni Michael Bublé ang "Ev­ery­thing," isang love song na may lyrics na "And in this crazy life / And through these crazy

mes / It's you, it's you / You make me sing / You're ev­ery line / You're ev­ery word / You're ev­ery­thing."

Si Arjo ay kasalukuyang nau­ug­nay kay Maine Men­doza, ang kalaha ng tam­balang AlDub ng GMA Net­work.

Mahigit anim na be­ses nang na­mataang magkasama ang dalawa na di­u­mano'y nagkakam­abu han na.

Hindi pa tahasang sinasagot nina Maine at Arjo kung ano na nga ba ang es­tado ng re­lasyon nila, pero sa hi­walay ni­lang mga panayam ay nag­pahiwa g silang masaya at in­spired sila sa pun­tong ito ng kani­lang buhay.

Si Alden ang peren­nial love team ni Maine.

Wala silang pinag­tatam­balang TV o movie project sa kasalukuyan, pero nanana li silang co‐ hosts sa "Eat Bu­laga! " at nagkakasama pa rin sa fan mee ngs para sa AlDub.

Arjo Atayde clar­i­fies his Michael Bublé post on In­sta­gram has noth­ing to do with Alden Richards.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.