Watchmen Daily Journal

Maine Mendoza breaks silence on rumored relationsh­ip with Arjo Atayde

- (Arniel Serato, Pep.ph)

Sa kauna-unahang pagkakatao­n ay nagsalita na si Maine Mendoza tungkol sa napapabali­tang relasyon nila ni Arjo Atayde.

Sa grand presscon ng “Jack Em Popoy (The Puliscredi­bles)” noong Huwebes, December 6, hindi pinayagan ang mga dumalong press na magtanong ng personal ques ons.

Kaya minabu ng media na hintayin ang one-on-one interviews para matanong ang main stars ng pelikula na sina Vic So o, Coco Mar n, at si Maine.

Wala sa presscon si Arjo, na kasama rin sa cast ng pelikula.

Unang nakorner ng media, kabilang na ang PEP. ph (Philippine Entertainm­ent Portal), si Maine.

Nagpaunlak naman ito ng ilang katanungan mula sa entertainm­ent press.

Mapapansin­g blooming si Maine kaya ito ang unang tanong.

Sagot niya, “Siguro, masaya ako.”

Masaya rin ba ang puso niya?

Maiksing sagot ng Phenomenal Star, “Oo.”

Nitong mga nakaraang buwan ay apat na beses na namataan si Maine kasama si Arjo.

Tinanong ng PEP.ph ang “Eat Bulaga!” co-host tungkol dito.

Maikli pa ring tugon niya, “Friends kami.”

Nanliligaw ba sa kanya ang Kapamilya actor?

Pagtanggi ng Kapuso star, “Hindi, friends kami. We're going out as friends.”

Tungkol naman sa public sigh ngs nila, sabi ni Maine, “Ge…ng to know each other first.

“Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?”

Paanong “ge…ng to know each other?”

Natatawang hirit ni Maine, “Hindi niyo nga nanong dito [sa ques on and answer], pero kinorner niyo naman ako!”

Kumusta si Arjo?

“Okay naman siya. Tanungin niyo siya,” sagot niya.

Ano ang nagustuhan niya sa binata?

“Ano ba ‘yan?” sambit ni Maine, sabay iwas na sa iba pang katanungan.

Pero sa huli, sinabi ni Maine na nakakaramd­am na siya ng kalayaan ngayon.

“Opo, nagagawa ko na rin ‘yung mga gusto kong gawin bilang tao at bilang ar sta.”

Ang “Jack Em Popoy (The Puliscredi­bles)” ay ipalalabas sa December 25 bilang entry sa 2018 Metro Manila Film Fes val (MMFF).

 ??  ?? Maine Mendoza on Arjo Atayde: “Getting to know each other first. Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?”
Maine Mendoza on Arjo Atayde: “Getting to know each other first. Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines