Watchmen Daily Journal

Jericho Rosales says ‘Halik’ is extended until March 2019

- (Rose Garcia, Pep.ph)

Parang timing daw ang pagpapalab­as ng pelikulang “The Girl in the Orange Dress,” kung saan gumaganap si Jericho Rosales bilang isang top superstar.

Sa ngayon kasi, mas umingay muli ang kanyang career dahil sa popularida­d na natamasa ng prime me series niyang “Halik.”

Saad ng aktor nung nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainm­ent Portal) sa presscon ng pelikula niyang entry sa Metro Manila Film Fes val, “Ang masarap kasi rito sa show namin, maraming hindi ini-expect ang mga tao na ganito ang magiging outcome.

“But what I'm really about, all of us have collaborat­ed dito on how to handle the characters.

“Ako, especially yung character ko, saan ko ba dadalhin ito? Perspec ve ng lalaki ito.

“Maraming nanonood na lalaki, mga maton, mga kung anu-ano, talagang inaabangan nila, ano ba ang magiging desisyon ng character ko rito sa mga ganitong sitwasyon?

“And ako, nagtatanon­g talaga ako sa mga totoong tao.”

Dagdag pa ni Jericho, “So ngayon, na-inspire ako hindi dahil sa sobrang ingay namin, ang nakaka-inspire roon, reality and truth talaga.

“True storytelli­ng talaga can make it big. Hindi lang basta pasabog sa teleserye na corny-corny na, hindi na namin trip.

“Pero para sa amin, lalo na sa akin, I do not treat soap opera as soap opera. Kung ano ang binibigay ko sa pelikula, ‘yun ang binibigay ko sa TV. So I do believe, okay kung gagalingan ko ito, kung ibibigay ko ang buong puso ko, ‘yun pa rin ang gugustuhin ng mga tao.”

Nabanggit na rin ni Echo na extended raw sila. Unofficial pa kung hanggang kailan, pero sa schedule niya raw, hanggang March 2019 na ang hinihingi sa kanya ng produc on.

Sabi nga niya, “Dapat magbabakas­yon na ako ng February, pero inaayos pa.”

Ano ang reaksiyon ng misis niyang si Kim Jones?

“She understand­s. Naiin ndihan naman niya ‘yun,” saad ni Jericho.

“What more can I ask for? Meron akong show na ‘yung cast, director, kaibigan ko. Masaya kami. Nangunguli­t kami sa set. Nakikita niyo naman sa behind the scene namin kung nakakapano­od kayo.

“It's a hit show.

“It's better than starting another one, ‘eto na naman. This one, parang okay lang kami. Masaya lang kami. Tinatrabah­o lang namin ang lahat.”

 ??  ?? Jericho Rosales has to postpone his vacation in February 2019 because his TV series “Halik” will be extended until March 2019.
Jericho Rosales has to postpone his vacation in February 2019 because his TV series “Halik” will be extended until March 2019.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines