Watchmen Daily Journal

Kapuso hunk Vince Vandorpe admits experienci­ng racial discrimina­tion while growing up in Belgium

- Mendoza, Pep.ph) (Ruel

Inamin ng bagong Kapuso actor na si Vince Vandorpe (pronounced van-dorPI) na nakaranas siya ng racial discrimina on noong lumalaki siya sa bansang Belgium.

Belgian ang kanyang ama, samantalan­g Pinay naman ang kanyang inang tagaDumagu­ete City.

Habang lumalaki raw si Vince ay kinukuwes yon siya ng mga kaedad niyang bata kung bakit kakaiba ang hitsura niya.

Lahad niya, "When I was a kid, medyo singkit po ako, 'tapos I have black hair.

"Mga kids kasi sa Belgium, they have light brown hair.

"So they always tease me for being different. They would call me Chinese or Japanese.

"Even if I speak their language, which is Flemish or Dutch, they tell me that I don't belong because I look so Asian.

"As a kid, medyo masakit iyon kasi they tease me a lot for my looks.

''Hindi naman ako nakikipag-away or umiiyak kapag umuwi ako.

''I just went on my own way. I just learned to embrace who I am.

"Laging sinasabi kasi ng mother namin na huwag kaming makipag-away kasi hindi tama iyon.

"Ayaw niyang nakikipag‐ away kami or else papaluin kami ng tsinelas!" tawa pa ni Vince.

Nakapanaya­m ng PEP.ph (Philippine Entertainm­ent Portal) si Vince sa media launch ng GMA‐7 prime me teleserye na "Cain at Abel."

REDISCOVER­ING HIS PINOY ROOTS

Aminado si Vince na kapag natanong siya tungkol sa pagiging Pinoy niya, wala siyang masagot.

"When I turned 18, I told my mom na that one day I want to go back to the Philippine­s in order to know more about myself at ang pagiging Pinoy ko.

"I want to rediscover my roots again.

''Ang tagal na kasi nung last me akong nakauwi ng Pilipinas.

"Kapag natanong kasi ako noon ng mga schoolmate­s ko about being a Filipino, wala akong masagot kasi I know so liLle about being one," pag‐ amin niya.

Nabanggit ni Vince na noong bata siya ay yearly ang pagbakasyo­n nila sa Pilipinas.

Para raw sila sa Dumaguete City nagbabakas­yon ng isang buwan kaya natuto raw siyang magsalita ng Bisaya.

Kuwento niya, "I was like three years old then.

''Alam mo naman ang mga bata, madaling maka-pick up ng language.

"Natatandaa­n ko, kahit na hindi ko pa masyadong main ndihan ang mga sinasabi ng mga kalaro ko, walang problema sa amin.

''We have our own language na naiin ndihan din ng ibang bata.

"But we stopped vaca oning sa Dumaguete noong dumami na kaming magkakapa d.

''We're five kids in the family at magastos sa pamasahe.

"Pero back in Belgium, 'yung ibang kapa d ko, they would converse in both English and Bisaya un l my dad discourage­d us to speak those languages.

''He only wanted us to speak either Dutch or French."

Taong 2014 na noong makabalik si Vince sa Pilipinas.

Noong una ay nag-stay siya for one month hanggang sa bumalik siya ulit at nana li for five months.

Patuloy niyang kuwento, "I was already 21 and I was finished with school.

"Dahil matagal akong hindi nakabalik ng Pilipinas, I was so excited to see lots of it.

''I wanted to explore everything about the Philippine­s.

"When I returned again for a full five months, I said to myself na I need to find work para maka-survive ako.

''Kaya doon pumasok ang modeling.

"My first TV commercial was for Blue Drinking Water in 2014.

''Then I went into to print ads and ramp modeling.

"I also have my own YouTube Channel where I blog and vlog about my travels here in the Philippine­s.

''May mga fun challenges kami like speaking this kind of Tagalog word.

"I also do behind‐the‐ scenes sa teleserye namin na Cain at Abel.

''May mga pinapagawa rin ako sa mga co-stars ko that are really funny."

SHOWBIZ CAREER OFF TO A GOOD START

Ang kauna-unahang teleserye ni Vince sa GMA‐ 7 ay ang ''Meant To Be'' (2017) kunsaan kasama siya sa grupong kumakalaba­n kina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner.

"Mga kontrabida kami nila MaLhias Rhoads, Carl Cervantes at Dave Bornea.

"It was good experience to do my first TV show then.

''Now I'm part of 'Cain at Abel' as the brother of both Dingdong Dantes and half -brother to Dennis Trillo.

"'Tapos, may makaka‐ loveteam pa ako sa show na si Pauline Mendoza.

"So everything is doing good as far as my career is concerned," pagpapasal­amat niya.

 ??  ?? Kapuso actor Vince Vandorpe recalls racial discrimina­tion while growing up in Belgium: "As a kid, medyo masakit iyon kasi they tease me a lot for my looks. Hindi naman ako nakikipag-away or umiiyak kapag umuwi ako. I just went on my own way. I just learned to embrace who I am."
Kapuso actor Vince Vandorpe recalls racial discrimina­tion while growing up in Belgium: "As a kid, medyo masakit iyon kasi they tease me a lot for my looks. Hindi naman ako nakikipag-away or umiiyak kapag umuwi ako. I just went on my own way. I just learned to embrace who I am."

Newspapers in English

Newspapers from Philippines