Watchmen Daily Journal

Kylie Padilla ties the knot with Aljur Abrenica

Ikinasal na sina Kylie Padilla, 25, at Aljur Abrenica, 28, sa isang intimate Christian wedding ceremony noong Martes, December 11.

-

Ginanap ang pagiisang dibdib nila sa Villa Milagros ancestral house sa Rodriguez, Rizal.

Mismong ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang nagbahagi ng Instagram live video ng Christian wedding ceremony nina Kylie at Aljur.

Dito ay makikitang naging emosyunal pareho ang newly-married couple habang nakikinig sa pangaral ng kanilang pastor.

"Mahalin mo si Kylie. Your job is to protect your wife," paalala ng pastor kay Aljur.

Pagkatapos ng ceremony, sabik na naghalikan sina Aljur at Kylie.

Nagkakatuw­aang binilang pa ng mga bisita ang sampung segundong passionate kiss ng dalawa.

THEIR LOVE STORY

Ikinasal sina Kylie at Aljur matapos ang halos dalawang taon nilang engagement.

Hindi kaila sa publiko ang makulay na itinakbo ng love story nina Aljur at Kylie mula nang maging sila noong 2011.

On and off ang relasyon nila hanggang sa humantong sila sa totohanang breakup noong March 2014 dahil sa third-party issues.

Parehong nag-move on sa kani-kanilang buhay sina Aljur at Kylie, hanggang sa muling pinagkrus ng tadhana ang kanilang landas.

Opisyal na nagkabalik­an ang dalawa noong September 2016, at inamin ito ni Aljur sa eksklusibo­ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainm­ent Portal) noong November 2016.

January 2017 nang sumunod na ibinalita ng PEP.ph ang pagbubunti­s ni Kylie ng anak nila ni Aljur.

Kasunod nito ang pagkumpirm­a ng dalawa na engaged na rin sila.

Isinilang ni Kylie ang anak nila ni Aljur na si Alas Joaquin Abrenica noong August 5, 2017.

 ??  ?? Kylie Padilla and Aljur Abrenica get married in an intimate and unannounce­d wedding ceremony today, December 11.
Kylie Padilla and Aljur Abrenica get married in an intimate and unannounce­d wedding ceremony today, December 11.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines