Watchmen Daily Journal

Angelica Panganiban accuses netizens of ruining her good relationsh­ip with Carlo Aquino

Hindi napigilan ni Angelica Panganiban na maglabas ng sama ng loob via Twitter tungkol sa negatibong reaksiyon ng netizens tungkol sa kanya at kay Carlo Aquino.

- (Bernie Franco, Pep.ph)

Noong January 9, pinatamaan ni Angelica ang netizens na bumabatiko­s sa kanya dahil sa madalas na pagpu-post tungkol sa ex-boyfriend na si Carlo.

Noong nakaraang taon, nabuhay muli ang tambalan nina Angelica at Carlo sa pelikula at TV.

Sabi ng supporters ni Carlo, 33, nadedehado raw ang aktor dahil lagi itong naba-bash sa pagpu-post ni Angelica, 32.

Bilang reaksiyon, sinabi ni Angelica sa kanyang Instagram post noong Miyerkules na hindi na siya magpu-post tungkol kay Carlo para sa kasiyahan ng fans ng aktor.

In-unfollow rin ni Angelica si Carlo.

May mga tweet din si Angelica kaugnay ng paratang sa kanya ng netizens tungkol kay Carlo.

Depensa ng Kapamilya actress, maayos naman ang relasyon nila ng dating boyfriend.

Pero dahil sa netizens, iiwasan na raw niya ang aktor.

ANGELICA IS HURT

Kahapon naman ng madaling-araw sunudsunod ang madamdamin­g tweets ni Angelica sa desisyon niyang dumistansi­ya kay Carlo:

“Saan ba ko nag kulang? Pinapasok ko naman kayo sa buhay ko. Bakit kayo nananakit?

“Didistansy­a lang naman. Nababahira­n na kasi ng ka-showbizan. Para sa ikakabuti na din ng lahat.”

Pinasalama­tan naman ni Angelica ang mga nakauunawa sa kanya. “Salamat. Salamat sa lakas ng loob sa panahong kinakailan­gan.

“Tao lang din ako. May pangangail­angan din. Kaya. Salamat.”

Makahuluga­n pa niyang tweet: “Anong pinagkaiba ng bullies sa bashers? Gusto ko malaman. Para makatulog na ko... may trabaho na ko in a while eh...”

 ??  ?? Angelica Panganiban blames netizens for her decision to avoid ex-boyfriend “Maayos naman samahan namin. Sinira niyo lang. Sana masaya na kayo.” Carlo Aquino.
Angelica Panganiban blames netizens for her decision to avoid ex-boyfriend “Maayos naman samahan namin. Sinira niyo lang. Sana masaya na kayo.” Carlo Aquino.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines