Watchmen Daily Journal

Sharon Cuneta denies Duterte’s claims against husband Kiko Pangilinan

“If my husband and I separate, you’ll hear it from me!”

-

Ito ang binigyang-diin ni Sharon Cuneta nang itanggi niya nitong Linggo ang balita na umano’y “pinapaalis na” niya sa bahay ang asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Ang balita ay ipinaratin­g kay Sharon ng anak nilang si Frankie Pangilinan, na kasalukuya­ng nag-aaral sa New York City.

Pinabulaan­an ng Megastar ang issue kasabay ng pag-post niya sa Instagram noong Linggo ng screenshot ng report ng CNN, na may titulong: “Duterte claims Sharon Cuneta wants Kiko Pangilinan out of their home.”

Sa CNN report, quoted si Pangulong Duterte: “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo.”

Upang bigyang-diin na seryoso ang kanyang sinabi, quoted uli ng CNN ang Presidente:

“At kung sabihin mo nagsisinun­galing ako, I will resign.”

Ayon sa CNN, ang pahayag ni Duterte ay bahagi ng speech nito para sa Andres Bonifacio Day rites sa Caloocan City nitong nakaraang Sabado, November 30.

‘SHOCKED’ SHARON

Sa bungad ng kanyang Instagram post, sinabi ni Sharon na “shocked” siya sa balitang nakarating sa kanya.

Aniya, natanggap niya ang news item mula kay Frankie habang kasama niya sa farm nila sa Cavite ang asawang si Kiko, at mga anak nilang sina Miel at Miguel.

Kasama rin ng kanilang mag-anak si Zsa Zsa Padilla at ang partner nitong si Conrad Onglao.

Post ni Sharon: “I just spent the whole day with Kiko, Miel, Miguel, ZsaZsa and Conrad in our farm, so this piece of news sent by Kakie kinda shocked me!”

Aniya, hindi niya alam kung totoong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte—na tinatawag niyang “Tatay”—ang nasa CNN report.

Sinabi ng 53-anyos na singer-actress na huli silang nagkausap ng Presidente noong sumuporta ito sa kampanya ng kapatid niyang si Chet Cuneta, na kumandidat­ong mayor ng Pasay City noong Mayo.

“I dunno if it’s true that the President, my ‘Tatay,’ really said this, and I haven’t been able to see or speak to him since before my brother’s campaign for Mayor!

“So I don’t know where this is coming from, honestly.”

Dagdag niya, “I don’t think anyone expects an announceme­nt of this sort from the President of their country!”

 ??  ?? Sharon Cuneta says she was shocked to hear about the news report about President Rodrigo Duterte allegedly claiming that she wants husband Senator Kiko Pangilinan out of their home.
Sharon Cuneta says she was shocked to hear about the news report about President Rodrigo Duterte allegedly claiming that she wants husband Senator Kiko Pangilinan out of their home.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines