Watchmen Daily Journal

Jolo Revilla, Angelica Alita tie the knot in US; wedding filled with tears

Umiyak si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang makita niyang naglalakad sa wedding aisle si Angelica Alita, ang babaeng pinili niyang makasama sa habambuhay.

- ph) Gabinete, Pep.

Iyak din nang iyak si Angelica sa kabuuan ng wedding ceremony.

"Jolo, be a good husband," mensahe kay Jolo ng kanyang ama na si Senator Bong Revilla Jr.

Ayon sa senador, tears of joy ang dahilan ng pagiyak ng anak niya.

"Lahat kami, kinakabaha­n na, pero makikita po ninyo lahat ng mga nagmamahal kay Jolo, nandirito sila.

"Thankful ako sa lahat ng mga kaibigan natin na pumarito.

"Makikita po ninyo dito ang malalapit na kaibigan, pamilya.

"Very solemn po itong wedding, at ito po ang gusto ni Jolo na mangyari—very simple lang,” sabi ni Bong.

Kahapon (oras sa Pilipinas) naganap ang garden wedding nina Jolo at Angelicasa Pelican sa Newport Beach, California, USA.

Live na nasaksihan ng Facebook followers ni Senator Bong ang kasalan dahil sa Facebook Live coverage nito dahil sa kagustuhan niyang ibahagi sa lahat ang isa sa pinakamasa­yang araw para sa kanyang anak.

Ang dalawang kapatid na lalaki ni Angelica ang nag-represent sa kanyang mga magulang at kasama niya sa bridal march.

Kabilang sa mga secondary sponsors ang mga kapatid ni Jolo na sina Ram, Loudette, at Gianna.

Bestman ni Jolo ang kanyang Kuya Bryan Revilla.

Sina Davao City Mayor Sara Duterte, former Pampanga Governor Lilia Pineda, Bacoor City Councilor Rowena Bautista-Mendiola, PLDT Chief Financial Officer Chaye Cabal-Revilla, Gigi dela Riva, Cavite Governor Jonvic Remulla Congressma­n Martin Romualdez, at former Senator Jinggoy Estrada ang ilan sa mga principal sponsor.(Jojo

 ??  ?? Umiyak si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang makita niyang naglalakad sa wedding aisle si Angelica Alita, ang babaeng pinili niyang makasama sa habambuhay.
Umiyak si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nang makita niyang naglalakad sa wedding aisle si Angelica Alita, ang babaeng pinili niyang makasama sa habambuhay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines