Watchmen Daily Journal

Miguel Tanfelix willing to be paired with Kisses Delavin

- Pep.ph) Gonzales,

Ikinagulat ni Miguel Tanfelix noong una niyang nalaman na may star siya sa Kapuso Walk of Fame sa walkway ng GMA Network. “Nagulat po ako, kasi before ang dami niyo nang nakikitang nagwu-Walk of Fame, dun sa Eastwood, and diyan sa [GMA] main building.” Naiinggit ba siya sa mga artistang nabigyang-pugay at napabilang sa naturang celebrity monument? Paglinaw niya, “Hindi naman po nainggit, pero parang naiisip ko na siguro ang sarap sa pakiramdam na may ganun. "Hanggang nawala siya sa isip ko, then the other day sinabi po sa akin na may ganito, so nagulat po ako.” Pagpapatul­oy pa ni Miguel, “Siyempre sobrang saya ko po and nagulat po ako na meron pa palang mga next batch na mga stars, and very thankful po talaga ako sa GMA, kasi ever since… “Parang since five years old po yata ako nandito na ako sa GMA, so ang sarap po sa pakiramdam na dito na po ako lumaki, and then finally, meron na po akong star sa Walk of Fame.”

OPEN TO BEING PAIRED WITH KISSES

May balita na posibleng maging GMA artist si Kisses Delavin at malamang si Miguel ang isa sa mga ipapartner kay Kisses. Magkakilal­a na ba sila ni Kisses? “Actually, hindi po kami magkakilal­a, but we saw each other na sa isang awards night, and… why not? "Kasi okay naman po siya, and nakakita ako ng ibang clips niya sa APT [Entertainm­ent, Inc.] before, so… cute lang.” Kaya looking forward din si Miguel. Aniya, “Why not! Yes.” Sa mga interviews sa kanya dati, vocal at consistent si Miguel sa pagsasabi na kapag paghihiwal­ayin sila ng ka-loveteam niyang si Bianca Umali sa project ay malulungko­t siya. Lahad niya, “Yes, malulungko­t din naman, nandun din naman po talaga ‘yun hanggang ngayon, but if kung ano po ibibigay sa akin ng GMA na project, buong puso ko pong tatanggapi­n ‘yun dahil it's a blessing.”(Rommel

 ??  ?? Miguel Tanfelix says he’s open to being paired with Kisses Delavin, if rumored talks push through about her joining the Kapuso network.
Miguel Tanfelix says he’s open to being paired with Kisses Delavin, if rumored talks push through about her joining the Kapuso network.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines