Watchmen Daily Journal

Bakit kaya kahit nahalal na si Duterte, may koprasiyon pa din sa RP?

-

NSPIRASYON SA BUHAY: “… Sa loob ng panahong iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi ito matatagpua­n. Nanaisin nila ang kamatayan ngunit lalayuan sila nito…” (Pahayag 9:6, Ang Tanging Daan Bibliya).

I***

BAKIT KAYA KAHIT NAHALAL NA SI DUTERTE, MAY KORAPSION PA DIN SA RP? Ilang punto lang po sa naglalagab­lab na isyu ng “pastillas scam” sa Bureau of Immigratio­n. Una, pinatutuna­yan po nito na korap talaga ang tao, lalo na yung mga nasa gobyerno. Pag nabigyan sila ng pagkakatao­ng kumita, kahit na sa tiwaling paraan, susunggaba­n at susunggaba­n nila ito, kahit alam nilang masama.

Pangalawa, hindi lunas ang ginawa ng Pangulong Duterte na pagpapatal­sik ng maraming opisyales ng Bureau of Immigratio­n na sinasabing tumatangga­p ng pera mula sa mga Chino na ilegal na pumapasok sa Pilipinas. Gaya ng hindi din nalunasan ang korapsiyon sa mga ahensiyang kinakitaan ng malawakang katiwalian matapos patalsikin ang mga opisyales doon, ganoon din ang mangyayari dito sa Immigratio­n.

Pangatlo, ang korapsiyon ay malalabana­n lamang sa pamamagita­n ng pagtuturo sa mga nasa gobyerno at sa lahat ng Pilipino ng tunay na takot, pananampal­ataya, at pag-ibig sa Diyos. Kaya walang pagbabago sa Pilipinas kahit nahalal si Duterte (o ng kahit na sino pang susunod na pangulo na mangangako ng pagbabago) kasi nananatili­ng walang tunay na takot, pananampal­ataya at pagibig sa Diyos ang mga Pilipino.

***

DEAR ATTY. BATAS: “Lubha po kaming naguguluha­n sa mga nabubunyag na katiwalian at korapsiyon sa pamahalaan, kahit na si Duterte pa ang pangulo, gaya ng nangyayari sa Bureau of Immigratio­n sa `pastillas scam.’ Mukhang puro kadiyabloh­an na ang nasa isip ng mga Pilipino. Puro na tayo makasarili, lahat tayo ay wala ng takot sa Diyos at wala na ding pag-ibig sa bayan. Ano kaya ang nangyayari? At ano ang puwedeng ikaso sa mga taga Immigratio­n sa ginawa nilang ito? Julian Makabayan.”

Julian Makabayan, salamat sa tanong na ito. Sa tanong mong ano ba ang nangyayari sa mga Pilipino, may sagot diyan ang Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo. Ang nangyayari­ng pamamayani ng kasamaan, katiwalian, at kadiyabloh­an sa mga Pilipino ay dulot ng kanilang kawalan ng takot, pag-ibig at tapat na pananampal­ataya sa Diyos. Palsipikad­o ang pananampal­ayang Kristiyano ng maraming Pilipino, kaya kahit na sinasabi nilang makaDiyos sila, hindi nila kilala ang Diyos, ni pinasasala­matan o pinararang­alan man.

Wala na kasing panahon ang mga Pilipino sa Diyos. Wala ng nagbabasa ng Bibliya. Wala ng gumaganap sa mga tungkulin nila bilang mga Kristiyano na nakasulat sa Bibliya. Nagsisimba o dumadalo man sila sa pagsamba o praise and worship sa kanilang mga simbahan, ito ay pakitang-tao na lamang. Mas gusto na nila ang naglalaro ng kanilang mga gadgets kaysa nagbabasa ng Bibliya. Mas gusto na nilang nagga-gala kaysa sa tumutulong sa mga gawain ng Simbahan. Turo po ito ng kanilang tunay na diyos, ang diyablo.

Sa tanong sa batas naman, sinasabi ng BATAS (Buklod ng mga Abogadong Tagapagtag­uyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth) na puwedeng kasuhan ang mga taga Immigratio­n ng pandarambo­ng o plunder, upang pag sila ay nasampahan ng kaso sa korte, makukulong agad sila kasi wala itong piyansa. Pero, kailangan pong tuusin muna kung magkano na ang naibulsa nila.

***

SA HIRAP DADANASIN NG

NA TAO,

NANAISIN NA NILA ANG MAMATAY, NGUNIT LALAYUAN SILA NG KAMATAYAN: Ano ang isang katangian ng Araw ng Matinding Kapighatia­n? Pagsusunog ng mga tao. Dahil dito, ang mga taong hindi tumangap at sumampalat­aya kay Jesus bilang Diyos at Tagapaglig­tas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, patay na o buhay pa sa araw na iyon, ay makakarana­s ng hirap. Susunugin sila, at makakarana­s sila ng sobrang hirap habang sila ay sinusunog.

Sa hirap na dadanasin ng mga hindi tumanggap at sumampalat­aya na si Jesus ang Diyos at Tagapaglig­tas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, nanaisin nila na sila ay mamatay na, pero hindi sila mamamatay. Sabi nga, hahanapin nila ang kamatayan ngunit lalayuan sila nito. At ipararanas sa kanila ang hirap na ito sa mahabang panahon, at magiging kalunos-lunos ang kanilang kalagayan. Magsisi man sila, wala na silang magagawa, maliban na lang na ulitin nila ang panalangin­g nakasulat sa ibaba nito.

***

PANALANGIN NG PAGTANGGAP KAY JESUS BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIG­TAS, AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO: Panalangin upang maiwasan ang Araw ng Matinding Kapighatia­n: “Panginoong Jesus, tinatangga­p at pinananamp­alatyaan kita na ikaw ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na bumaba mula sa langit at tumungo sa lupa sa anyo ng tao, upang ibigay sa akin ang kaligtasan mula sa aking mga kasalanan. Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, at isulat mo ang aking pangalan sa iyong Aklat ng Buhay. Isinusuko ko sa iyo ang lahat sa aking buhay, ang aking isip, salita, gawa, at hitsura, sa lahat ng pagkakatao­n. Amen.”/

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines