Watchmen Daily Journal

Judy Ann Santos ignores peddlers of fake news about her marriage

-

Hindi na bago kay Judy Ann Santos, 43, ang walang tigil na pangiisyun­g hiwalay na umano sila ng asawang si Ryan Agoncillo, 42.

Pahayag niya, “Natatawa lang kami kasi parang mula nung mag-boyfriend pa lang kami, ‘yan na, pinaghihiw­alay na kami, e.

“Parang simula pa lang nung relationsh­ip namin, may isyu nang naghiwalay kami. ‘Huh?! Hindi pa nga alam na mag-boyfriend kami, naghiwalay na kami?’

“Paano kaya yun? Ano ba yun?”

Eksklusibo­ng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainm­ent Portal) editorial team si Judy Ann recently.

Twelve years nang kasal sina Judy Ann at Ryan. Ikinasal sila noong April 28, 2009 sa Batangas.

Na-engage sila noong 2008 pagkatapos ng tatlong taon bilang magkasinta­han.

Pero sa kabila ng higit 15 taong relasyon, patuloy pa rin ang pang-iintriga ng iba tungkol sa kanilang pagsasama.

Kamakailan nga lamang ay kumalat ang ilang videos sa YouTube na nagsasabin­g hiwalay na umano sila.

Pero giit ng aktres, fake ang mga ito at iniintriga lang sila ng ibang netizens para maka-generate ng views at para kumita.

Pahayag ni Judy Ann, “Feeling ko, kumiclickb­ait, yung ganun.”

Usapan daw nila ni Ryan, mas mabuting huwag na lang nila itong patulan.

Sapat na raw ang pagpupost nilang mag-asawa na magkasama sa social media bilang patunay na matibay ang kanilang pagsasama.

Nakuha pang magbiro ng aktres na pinagaaksa­yahan sila ng panahon ng netizens.

“Pero, at least, pinagpagur­an nila kaming mag-asawa. In-effort-an nila kami.

“In fairness, may asim pa yung pangalan naming mag-asawa!” natawa niyang sabi.

Hirit pa ni Judy Ann, “Ang dami kasing time ng mga tao. Bored na bored na sila. Magpabakun­a na kasi.”

Ito naman ang reaksiyon niya sa kung sinumang netizen ang gumagawa ng videos para intrigahin ang pagsasama nila ni Ryan:

“Nakuha mo na ‘yung subscriber­s mo. For sure, baka naman nakuha mo na ‘yung plaka mo from YouTube.

“Tanong mo na lang kung pwede mong isangla ‘yan. May extra kang pambigas.” (Pep.ph)

 ?? Kitchen) (Photos: YouTube/Judy Ann’s ?? Judy Ann Santos on malicious rumors alleging she and husband Ryan Agoncillo have broken up: “In fairness, may asim pa ‘yung pangalan naming mag-asawa.”
Kitchen) (Photos: YouTube/Judy Ann’s Judy Ann Santos on malicious rumors alleging she and husband Ryan Agoncillo have broken up: “In fairness, may asim pa ‘yung pangalan naming mag-asawa.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines