Watchmen Daily Journal

Bea Alonzo, Dominic Roque hint going out on romantic date

-

Patuloy ang pagbibigay ng clue nina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kamakailan lang, may mga bagong post ang dalawa na matibay ang indikasyon­g magkasama sila sa isang date, kahit hindi sila makikitang magkasama sa photos.

Isang holding-hands photo ang buong pagmamalak­ing ipinost ni Dominic.

Sa Instagram Story naman ni Bea ay ipinost niya ang mga larawan ng kanyang well-deserved treat.

Kumain siya sa Japanese restaurant at nagkataong ang mga inorder niyang sashimi, Japanese desert, at brand ng champagne ay kagayang-kagaya ng mga ipinost ni Dominic.

Ipinost ng aktor sa kanyang Tiktok account ang compilatio­n ng videos ng pagpunta niya sa isang Japanese restaurant.

Makikita sa videos ang Japanese dishes— appetizer, main course, dessert—at champagne na in-order ni Dominic.

Pero kapansin-pansing dalawang wine glass ang nasa video, indikasyon­g may kasama si Dominic.

Sa dulo ng video ay may dalawang kamay na mahigpit na magkahawak.

Kapansin-pansin ang squarish gold watch, na mabilis namataan ng netizens at agad ikinumpara sa lumang Instagram pics ni Bea suut-suot din ang nasabing relo.

Ikinakilig naman ito ng fans ng dalawa. Ipinost nila ang screenshot­s ng mga post ng reported celebrity couple para ihambing ang pagkakapar­eho ng relo

Ang hinihintay na lang ng marami ay ang direktang pag-amin nina Bea at Dominic sa kanilang relasyon, bagamat hindi rin naman nila itinatangg­ing may ugnayan na sila. (Pep.ph)

 ?? (PHOTO/S: @DOMINICROQ­UE AND @ BEAALONZO ON INSTAGRAM) ?? Dominic Roque (left) posts videos of his dining experience at a Japanese restaurant. At the end of the video, two clasped hands are seen. Meanwhile, Bea Alonzo posted on Instagram her recent visit to a Japanese restaurant, where her photos match those of Dominic’s. The two have been reportedly dating for some time now.
(PHOTO/S: @DOMINICROQ­UE AND @ BEAALONZO ON INSTAGRAM) Dominic Roque (left) posts videos of his dining experience at a Japanese restaurant. At the end of the video, two clasped hands are seen. Meanwhile, Bea Alonzo posted on Instagram her recent visit to a Japanese restaurant, where her photos match those of Dominic’s. The two have been reportedly dating for some time now.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines