Watchmen Daily Journal

Ruffa Gutierrez glad her daughters are not ‘lakwatsera’

-

Masasabi ngang isang magandang ehemplo ng isang single parent ang beauty queen/actress na si Ruffa Gutierrez dahil sa nagawa niyang pagpapalak­i sa dalawa niyang anak na babae—sina Lorin at Venice Bektas.

Ang panganay na anak ni Ruffa, si Lorin, ay freshman college ngayon sa Pepperdine University sa California, U.S.A.

At kahit na malayo sa anak, kampante si Ruffa na napalaki niya nang maayos ang mga ito.

“You know, I trust Lorin,” saad niya.

“First of all, she’s in a Christian university. I make sure that we talk all the time and para sa akin, it’s best to be honest with your children.

“Kumbaga, hindi ko ginagawa ‘yung ginawa ng mommy ko sa akin. I tried to play both good cop and bad cop.

“‘Yung parang, ‘Okay, Lorin, Venice, ito ang mga dapat niyong gawin. Ito ang hindi niyo dapat gawin. Ito na ang nangyari.’ So I made them decide.

“But I’m also strict, hindi ako lenient. And I think, hindi easy to become a single working mom, talagang mahirap din. And I’m just very grateful and happy that my daughters are good, they’re very good.”

Nakapag-adjust na raw si Ruffa sa sepanx (separation anxiety) sa anak niya.

RUFFA STILL STRICT WITH NOBOYFRIEN­D RULE

Ang mga anak niyang sina Lorin, 18 at Venice, 17 ay wala pa raw mga boyfriend o manliligaw. “Wala pa,” lahad niya. “Alam niyo, they’re homebodies. Parang nahahawa na nga ako sa kanila, hindi sila lumalabas ng bahay. And even Lorin, ‘di ba, every time I call her, she’s just at her dorm.

“So I think, ang mga kabataan ngayon, hindi na katulad noong araw. I don’t know, ha? Ako nga, lakwatsera ako. Gala talaga ang mga paa ko. Pero sila, they like staying home.”

Pero payag na ba siyang magkaroon ng boyfriend ang mga ito?

“Hindi ko ina-allow, pero sinasabi ko sa kanila, guys, see… every time they see me cry, when I cry, usually, it’s because of their dad, it’s more on—‘my gosh, kinaya ko! You’re in college now. Ginawa ko itong mag-isa.’

“So kita niyo, kailangan kapag na-in love kayo, you really have to choose really wise, ‘di ba?

“Hindi ‘yung... ‘yung ibang kabataan ngayon, kung sinu-sino na lang ang dine-date.

“Gusto kong sabihin sa kanila na choose a Godfearing individual. Nakita mong mahal ang family and who have the right values.”

Paglalaraw­an pa ni Ruffa sa mga anak, “I think, they’re strong individual­s. Like, si Venice, matapang iyan. Malambing pero matapang.

“Si Lorin, she’s calculated. Matalino, hindi masyadong malambing, pero she will answer you directly. And I think, I’ve done a good job naman in raising them.”

Sabi pa niya bilang isang ina, “Ako talaga, I’m so proud. Kung okay sila, they will finish their studies and become successful, para sa akin, masayang-masaya na ‘ko. Bonus na lang lahat.”

 ?? ?? Ruffa Gutierrez is very proud of having raised daughters Lorin and Venice very well despite the challenges of being a single mom. (Gorgy Rula photos)
Ruffa Gutierrez is very proud of having raised daughters Lorin and Venice very well despite the challenges of being a single mom. (Gorgy Rula photos)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines