Balita

310 patay sa Hajj stampede sa Saudi Arabia

-

MECCA, Saudi Arabia (CNN)—Patay ang 310 katao at 450 iba pa ang nagtamo ng pinsala sa stampede sa Hajj pilgrimage noong Huwebes, sinabi ng mga opisyal ng Saudi Arabia.

“We have a stampede accident in Mina and civil defense is dealing with it,” sabi ni Interior Ministry spokesman Brig. Gen. Mansour al-Turki.

Nangyari ang stampede habang isinasagaw­a ang ritwal na kilala bilang “stoning the devil,” kung kailan binabato ng mga tao ang pader na bato na sumisimbol­o sa pagtakwil sa diablo.

Ang Mina ay halos 5 kilometro mula sa silangan ng banal na lungsod ng Mecca.

Ang Hajj ay isa sa most celebrated event sa Islamic calendar at isa sa pinakamala­king pagtitipon sa mundo.

Para sa maraming Muslim, ito ang spiritual climax ng kanilang buhay, at marami ang ilang dekadang nag-iipon para sa paglalakba­y na ito.

Mahigit dalawang milyong Muslim mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang dumadalo sa mga aktibidad sa loob ng ilang araw ng taunang pilgrimage.

Kilala bilang ikalimang haligi ng Islam, ang Hajj ay isang obligasyon para sa bawat Muslim na may kakayahang pinansyal at pisikal para isagawa ito.

Ang pilgrimage, isinasagaw­a sa loob ng limang araw, kabilang na ang mga detalyadon­g ritwal gaya ng pagsusuot ng espesyal na puting kasuotan na sumisimbol­o sa pagkakapan­tay-pantay at pagkakaisa ng tao sa harap ng Diyos; isang paikot na prusisyon sa palibot ng Kaaba, ang pinakabana­l na dambana ng Islam; at ang simbolikon­g pagbabato sa diablo.

Noong Huwebes ang ikatlong araw ng Hajj.

Naging trahedyang araw din ito para sa maraming Muslim sa Yemen, kung saan 29 katao na dumadalo sa mga panalangin sa Eid ang namatay nang sumabog ang isang bomba sa moskeng puno ng tao sa Sanaa.

 ?? AP ?? FIRST AID Sa litratong ipinaskil sa official Twitter account ng directorat­e ng Saudi Civil Defense agency, nilulunasa­n ng medic ang isang pilgrim matapos ang stampede sa lungsod ng Mina habang isinasagaw­a ang taunang Hajj pilgrimage noong Huwebes,...
AP FIRST AID Sa litratong ipinaskil sa official Twitter account ng directorat­e ng Saudi Civil Defense agency, nilulunasa­n ng medic ang isang pilgrim matapos ang stampede sa lungsod ng Mina habang isinasagaw­a ang taunang Hajj pilgrimage noong Huwebes,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines