Balita

147 arestado sa OTBT sa Parañaque

- Bella Gamotea

Isa- isang dinampot ng Parañaque City Police ang 147 katao, kabilang ang anim na wanted at 39 na menor de edad, sa “One-Time, Big-Time” operation sa lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Kasalukuya­ng nakakulong sa Station Investigat­ion and Detective Management Section (SIDMS) ng pulisya sina Rene Quilinguen, 27, security guard, ng No. 135 Guyabano Street, Sampaloc 2, BF Homes, Parañaque City, wanted sa kasong theft; Boyet Rodriguez y Nagal, 59, ng Lower Barangay San Antonio, wanted sa kasong robbery; Carlos Leongson, 64, ng No. 1702 Munoz St., Tramo Bgy. 43, Pasay City, nahaharap sa kasong serious illegal detention; Bong Manalo y Agalon, 21, ng Area 4, Sport Complex Fourth State Subdivisio­n, Bgy. San Antonio, Parañaque City; Joebert Abig y Aboga, 21, ng Area 4, Sport St., Fourth State Subd., Bgy., San Antonio, Parañaque City, nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance Series 95-27 (Liquor Ban); at Babylyn Cruz, 60, ng No. 28 Simplicio Cruz Compound, Bgy. San Isidro, Parañaque City, nahaharap sa kasong theft.

Sa ulat ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jemar Modequillo, dakong 10:30 ng gabi ikinasa ang operasyon, sa pamumuno ni Sr. Insp. Benedicto Balagtas, sa mga Bgy. Marcelo, Don Bosco at Moonwalk.

Inaresto rin ang 80 lalaking nagiinuman sa kalye at 23 iba pa na pawang nakahubad-baro.

Bago tuluyang pinakawala­n, dinisiplin­a ni Modequillo ang mga inaresto sa pamamagita­n ng pagpu-push up at binalaang huwag nang umulit sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod.

Nasagip naman ng pulisya at DSWD ang 39 na menor de edad na naabutang pakalat- kalat sa lansangan sa kabila ng ipinatutup­ad na curfew.

Idiniretso sa tanggapan ng DSWD ang mga bata at ipinatawag ang kani-kanilang magulang upang sila’y personal na sunduin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines