Balita

LizQuen, tinalo na ang KathNiel

- Ni REGGEE BONOAN

TANTIYA ng kausap naming taga-showbiz ay umabot sa P500M ang kinita ng My Ex and Whys movie nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Pero nang mag-double check kami, nalaman namin na P400M plus ang total gross ng LizQuen movie, kasama na ang kinita nito sa iba’t ibang bansa.

Gayunpaman, labis itong ikinagulat ng dalawa dahil unexpected daw nila ito.

Kung hindi kami nagkakamal­i, nalampasan ng My Ex and Whys ang Barcelona: A Love Untold nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na umabot sa P321M, kasama na rin ang kinita sa iba’t ibang bansa.

Mas mura rin ang production cost ng My Ex

and Whys dahil sa Seoul, Korea lang ito kinunan samantalan­g sa Barcelona, Spain pa nag- shoot ang KathNiel movie kaya mas malaki ang gastos.

Pumangatlo na ang LizQuen sa listahan ng biggest earner ng Star Cinema. Ang tandem nina Vice Ganda at Coco Martin sa Super Parental Guardians na ipinalabas bago mag- Metro Manila Film Festival noong 2016 ang may hawak ng record as highest grossing film na kumabig ng P600M sa Pilipinas pa lang. Kung kasama ang kinita sa iba’t ibang bansa, ang tantiya ng kausap namin ay lampas P700M ang total na kinita ng tambalang Vice at Coco. Pangalawa ang A Second Chance nina Bea

Alonzo at John Lloyd Cruz na ipinalabas din noong 2015, kumita ito ng mahigit P400M.

Sa madaling sabi, hindi nalalayo ang kinita ng My

Ex and Whys sa A Second Chance kaya puwede nang lumebel ang LizQuen kina Basha at Popoy.

Curious kami kung ano ang updated top 10 movies ng Star Cinema.

Anyway, hindi maaaring magkampant­e ang LizQuen supporters sa kinita ng My Ex and

Whys dahil as early as January ay naka-schedule na ang gaganaping block screenings ng KathNiel supporters para sa I Can’t Help Fallin’ In Love na ipapalabas sa Abril 15.

Pero hirit ng tagashowbi­z na katsikahan namin, “Mas may pressure sa KathNiel fans kasi mahigit sa P400M ang kinita ng My Ex and Whys. Remember, nasa P321M lang ang kinita ng Barcelona nila.”

Sa kinita o kinikitang ito ng mga pelikula ng LizQuen at KathNiel, maliwanag na buhay na buhay ang Philippine entertainm­ent industry kahit mayroon pa ring local films na hindi masyadong pinapasok sa mga sinehan.

Speaking of Liza and Enrique, kagagaling nila ng Ilocos region para sa shooting ng teleserye na sila ang mapapanood sa premiere week pero may ibang magbibida.

Naiintriga kami sa project na ito pero hindi pa kami makakuha ng detalye kung sinu- sino ang bida. Tiyak na big stars din, para pumayag na maging pambungad ng serye ang LizQuen.

 ??  ??
 ??  ?? LizQuen KathNiel
LizQuen KathNiel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines