Balita

Piolo, umaming ‘MU’ sila ni Shaina

- –Reggee Bonoan

INAMIN ni Piolo Pascual sa kanyang guesting sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Biyernes na may mutual understand­ing sila ni Shaina Magdayao at boto ang pamilya niya sa dalaga.

Sa diretsong tanong ni Kuya Boy kung mahal ni Piolo si Shaina, mabilis siyang sumagot ng, “Oo naman!”

Ito ang paliwanag ng bida ng Northern Lights: A Journey to Love tungkol sa relasyon nila ng aktres:

“Shaina and I have a mutual understand­ing na hindi namin alam kung paano ipaiintind­i sa tao. What we have is really something special and mahirap kasi nga pareho kaming public figure and so we just decided na huwag na lang magsalita. Whatever we have is what we have. It is what it is.”

Binanggit ni Kuya Boy na botong-boto ang Ate Vina Morales ni Shaina kay Piolo na agad din namang ginantihan ng aktor ng, “My family as well.”

Sa twominute fast talk, nang ipadescrib­e ng TWBA host si Shaina kay Piolo, “Love.”

Inamin din ng aktor na masasaktan siya kung makikipagd­ate sa iba ang dalaga at sana raw alam niya.

Kaya sa mga nagtatanon­g kung ano ang real score nina Piolo at Shaina, para sa amin ay ‘sila na’ talaga at hindi na kailangang i-memorize ‘ yun, di ba, Bossing DMB? (Boto rin ako. –DMB)

Since umamin na si Piolo, imbitahin kaya niyang manood ng Northern Lights: A

Journey to Love si Shaina sa premiere night sa Martes, Marso 28 sa SM Megamall Cinema 7?

 ??  ??
 ??  ?? Piolo at Shaina
Piolo at Shaina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines