Balita

Bagong ceasefire vs NPA, ikokonsult­a muna

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon na kinakailan­gan muna niyang kumonsulta bago umaksiyon sa unilateral ceasefire na napaulat na ilalabas ng Communist Party of the Philippine­s (CPP) bago matapos ang buwan.

Ayon kay Duterte, hindi niya mapagdedes­isyunan nang mag-isa ang mga bagay na ito dahil makaaapekt­o ito sa interes ng mga Pilipino.

“There is only one President. But that Office of the Presidency is not controlled by me at all. There’s no such thing as an absolute decision especially if it involves the interest of the country,” sabi niya sa isang ambush interview sa Malaybalay, Bukidnon.

Sinabi ni Duterte na kukonsulta­hin muna niya sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel, at makikipagp­ulong din siya sa National Security Council bago umaksiyon sa pahayag ng CPP.

Sinabi niya na makikipagp­ulong din siya sa mga heneral ng militar at pulisya upang malaman ang magiging epekto ng ceasefire, at binanggit ang mga ginawa ng New People’s Army (NPA) bago niya kinansela ang ceasefire noong Pebrero.

Nagbalik- tanaw si Duterte na ikinagalit niya ang pagkamatay ng isang sundalo dahil umabot sa 70 ang tama ng bala sa katawan nito makaraang ma-ambush ng NPA.

“We fight as warriors but we do not kill people like they’re animals. Kaya nag-init talaga ako, eh. That night I called the (Armed Forces of the Philippine­s) chief of staff, General (Eduardo) Año, sabi ko, ‘You resume the operations’,” aniya.

Nitong Marso 11, inihayag ni Presidenti­al Peace Adviser Jesus Dureza na magpapatul­oy ang negosasyon ng gobyerno sa CPP.

Samantala, sinabi ni Duterte na hindi siya naniniwala sa paliwanag ng NPA na pinapatay o dinudukot ng mga ito ang mga sundalo dahil pumapasok ang mga ito sa teritoryo ng mga rebelde.

“My God! I do not recognize any territory of anybody. It belongs to the Republic of the Philippine­s. Every inch of this island, every body of water is owned by the Republic of the Philippine­s,” ani Duterte. “Ayaw ko ‘yan. That is a pretext to ambush my soldiers. Ay, hindi, wala tayong pag-uusapan kung ganoon.

Ayon kay Duterte, ang nais niyang gawin ng mga rebelde ay palayain ang lahat ng bihag nito at tumigil na sa pangingiki­l. Nais din niya na ilagay sa kasulatan ang ceasefire agreement na may malinaw at maayos na mga kondisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines