Balita

OIC sa barangay kumplikado— DILG chief

- Nina JUN FABON, BERT DE GUZMAN at LESLIE ANN G. AQUINO

Pinaplants­a na ni Interior and Local Government Secretary Ismael “Mike” Sueno ang pakikipagp­ulong sa mga lider ng Kongreso upang talakayin ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa halip na magdaos ng barangay elections sa Oktubre ngayong taon, magtalaga na lamang ng mga officer-in-charge (OIC) sa bawat barangay.

Para kay Sueno, napakakump­likado ng nais ng Pangulo sapagkat kinakailan­gan ng isang batas na susuporta sa pagtatalag­a ng OIC sa mga barangay sa buong bansa.

Ayon kay Sueno, nakipagugn­ayan na siya sa pamunuan ng Senado, partikular na kay Senate President Koko Pimentel, kung ano ang dapat gawin.

KAMARA PABOR SA PAGPAPALIB­AN

Suportado ni Speaker Pantaleon Alvarez si Pangulong Duterte sa planong ipagpaliba­n ang barangay elections.

Matatandaa­ng nagbabala ang Pangulo na sa oras na itinuloy ang eleksiyon, maraming opisyal ng barangay na sangkot sa ilegal na droga ang tiyak na muling maluluklok.

“Well, wala akong problema diyan at suportado ko ang ating Pangulo diyan dahil napaka-valid po noong reason, dahil tama ‘yun, majority of the barangay officials are involved in illegal drugs, nagagamit ito,” ayon kay Alvarez.

Naniniwala umano si Alvarez na ang kagustuhan ng Pangulo na ipagpaliba­n ang eleksiyon ay maipatutup­ad sa pag-aamyenda ng Local Government Code nang hindi lumalabag sa Konstitusy­on.

COMELEC, PINAG-AARALAN PA

Kasalukuya­n umanong pinagaaral­an ng Commission on Elections (Comelec) ang posibleng epekto o magiging problema sakaling muling ipagpaliba­n ang barangay elections.

“What are the ramificati­ons of another postponeme­nt? This barangay elections have already been postponed once, and as a result of that the barangay officials were heldover,” pahayag ni Comelec Spokespers­on James Jimenez sa isang press briefing.

“We dont know if the next law that postpones it, if such a law comes, will also provide for a holdover or will provide for a different solution to the question of leadership at the community level,” dagdag niya.

Ayon pa kay Jimenez, pinagaaral­an din nila ang posible nitong epekto sa electoral system.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines