Balita

1 sa tandem, utas sa ‘panghohold­ap’

- Jel Santos

Duguang bumulagta ang isang hindi pa nakikilala­ng lalaki na umano’y nangholdap sa isang babae sa engkuwentr­o sa Caloocan City nitong Biyernes, iniulat kahapon.

Kinilala ni Sr. Supt. Chito G. Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, ang biktima na si Rushelle Bradisina, 49, ng Barangay 177, Caloocan City.

Base sa imbestigas­yon, dakong 3:10 ng madaling araw, nilapitan si Bradisina ng dalawang armadong lalaki na lulan sa motorsiklo habang matiyaga siyang naghihinta­y ng masasakyan sa Durian Street, Bgy. 178.

Ayon sa mga saksi, tinutukan si Bradisina ng isa sa mga suspek. Sinabihan nito ang biktima na ibigay ang kanyang bag, at dahil sa labis na takot ay ibinigay ito ni Bradisina.

Base sa ulat, mabilis na nagsitakas ang mga suspek nang makuha kay Bradisina ang kanyang bag.

Nagtungo si Bradisina sa pinakamala­pit na presinto ay isinumbong ang panghohold­ap sa kanya ng dalawang lalaki na sakay sa motorsiklo. Agad umaksiyon ang mga pulis ang tinugis ang mga suspek, base sa ulat.

Nang makita ng mga suspek na sila’y hinahabol, isa sa kanila ang nagpaputok ng baril na masuwerten­g hindi tumama sa awtoridad.

Dahil dito, napilitan umano ang mga tumutugis na gumanti ng putok at natamaan ang isa sa mga suspek na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nagawa namang makatakas ng isa pang suspek.

Nabawi naman ang bag ni Bradisina, naglalaman ng mga pera at gadgets, mula sa hindi pa rin nakikilala­ng suspek, sinabi ni Bersaluna sa Balita.

“I am advising the robber, who was able to flee, to surrender now. Don’t hide anymore. We know you are injured,” panawagan ni Bersaluna.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines