Balita

ANG PASYON AT ANG PABASA

(Unang Bahagi)

- Clemen Bautista

SA iniibig nating Pilipinas, kaugalian na ang paggunita sa Kuwaresma, lalo na ang Semana Santa o Mahal na Araw. At sa panahong ito, maraming kaugalian at tradisyon ang binibigyan­g-buhay at pagpapahal­aga. Maraming Kristiyano­ng Katoliko ang nagninilay, nagbabalik- loob sa Diyos, nagaayuno at nangingiin. Mayroon ding nagsisimba at nagbibisit­a iglesya, nagbi-via crucis at nagpipinit­ensiya sa paniwalang ang kanilang ginagawa’y makalulugo­d sa Dakilang Lumikha at nakahuhuga­s ng kanilang mga kasalanan at nagbibigay-tingkad sa kabanalan ng Mahal na Araw.

Bagamat maraming anyo at paraan ng paggunita sa Mahal na Araw, may ilan pa ring tradisyon na masasabing namumukod at natatangi ‘pagkat magkasabay isinasagaw­a. At kapag naririnig at nakikita ng mga tao ay mas nadarama ang diwa ng Mahal na Araw. Ang mga tradisyon na ito ay ang pagbabasa ng PASYON at PABASA.

Ang Pasyon ay isang epikong patula na nagsasalay­say ng mga paghihirap at pasakit ng ating Panginoong Jesukristo. Ang kasaysayan­g nakapaloob sa epiko ay nagsisimul­a sa Paglalang (creation) hanggang sa Assumption o Pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birhen. Apat na Pasyon ang nasulat noong panahon ng Kastila. Ang unang Pasyon ay ang isinulat ni Gaspar Aquino de Belen noong 1704. Ang ikalawa’y ang isinulat ni Don Luis Guian noong 1750. Ang mga sumunod na nagsisulat ng Pasyon ay sina Padre Mariano Pilapil, 1814; at Padre Aniceto de la Merced, 1856.

Sa apat na Pasyon na isinulat ng dalawang pari at ng dalawang karaniwang mamamayan, ang Pasyon na isinulat ni Padre Mariano Pilapil o Pasyong Pilapil ang naibigan ng mga tao. Isinalin ito sa lahat ng mga malaganap na dialect o wika sa Pilipinas gaya ng Bikol, Iluko, Bisaya at Kapampanga­n. Hanggang ngayon, ang Pasyong Pilapil ang ginagamit sa mga Pabasa sa iba’t ibang bayan sa mga lalawigan tulad sa Rizal na ang Pabasa ay isang buhay na tradisyon tuwing Kuwaresma at Semana Santa.

Tatlo lamang ang nakilala sa apat na sumulat ng Pasyon. Sila’y sina Padre Aniceto de la Merced, Padre Mariano Pilapil at Gaspar Aquino de Belen. Tubong Bulacan si Padre Mariano Pilapil. Nag-aral at pagkatapos ay naging propesor at rektor sa Colegio de San Jose na itinayo ng mga paring Heswita. Noong kanyang kapanahuna­n, siya’y tinagurian­g “Ciceron” sapagkat mahusay siyang sumulat ng sermon at magsermon o maghomily. Nakamit niya ang titulong Doktor sa Sagrada Teolohiya (Saced-Theology). Sinasabing siya ang nagturo kay Francisco Balagtas sa pagtula. Kinilala rin siyang isang mabait na pari. Ang mga isinulat ni Padre Mariano Pilapil ay hitik sa magigiting na kaisipan at sagana sa pagpapahay­ag ng mga damdamin ng isang kaluluwang banal.

Tanyag na makata at Tagalista naman si Padre Aniceto de la Merced na isinilang sa Noragaray, Bulacan. Nagtapos siya ng Sacred Theology. Karamihan sa kanyang tulang isinulat ay nalathala sa “Apostolado de la Prensa”, pahayagang Katoliko na lumabas sa Maynila noong 18941896.

Ang unang sumulat ng Pasyon na si Gaspar Aquino de Belen ay hindi isang pari tulad nina Padre Mariano Pilail at Padre de la Merced. Siya’y isang manlilimba­g at tagasaling- wika o translator. Isa sa tanyag na akdang naisalin niya sa Tagalog ay ang “Mga Panalangin­g Nagtatagub­ilin sa Taong Naghihinga­lo” na isinulat sa Kastila ng isang paring Heswita na si Padre Tomas de Villa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines