Balita

MABUTING BALITA

-

1 S 16:1b, 6-7, 10-13a ● Slm 23 ● Ef 5:8-14 ● Jn 9:1-41 [o 9:1, 6-9, 13-17, 34-38]

Sa kanyang pagdaan, nakita niya [Jesus] ang isang taong ipinangana­k na bulag.

Pagkasabi niya ng mga ito, lumura siya sa lupa at gumawa ng putik mula sa lura at nilagyan ng putik ang mga mata ng tao. At sinabi sa kanya: “Pumunta ka’t maghilamos sa palanguyan ng Siloam (na kung isasalin ay sinugo).” Kaya pumunta siya at naghilamos at umalis na nakakakita.

Kaya sinabi ng kanyang mga kapitbahay at ng mga dating nakakapans­in sa kanyang nagpapalim­os: “Di ba’t ito ang nakaupo at namamalimo­s?” Sinabi ng ilan: “Ito nga siya!” At sinabi naman ng iba: “Hindi! Kamukha lamang siya.” Ngunit sabi niya: “Ako siya!”

Dinala nila siya sa mga Pariseo, siya na dating bulag. Araw ng Pahinga noon nang gumawa ng putik si Jesus at nagpadilat sa kanyang mga mata. Kaya muli siyang tinanong ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. At sinabi niya sa kanila: “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata at naghilamos ako at nakakita.” Kaya sinabi ng ilan sa mga Pariseo: “Hindi mula sa Diyos ang taong iyon dahil hindi niya ipinanging­ilin ang Araw ng Pahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba: “Paanong magagawa ng taong makasalana­n ang ganitong tanda?” At nahati sila.

‘Hinirang at Sinugo’

Sa ebanghelyo, isang taong ipinangana­k na bulag ang kausap ni Jesus. Isinilang siyang bulag at wala siyang ideya kung ano ang karanasan ng taong may paningin. Nagkusa si Jesus na pagalingin ang bulag. Lumura siya sa lupa, gumawa ng putik at ipinahid sa bulag. Pagkatapos, sinabihan niyang maghilamos ang bulag sa palanguyan ng Siloam.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines