Balita

Balang, summer fun under the sun sa ‘KMJS’

-

NGAYONG gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho ( KMJS), ibabahagi ng internet sensation at Kapuso child celebrity na si Balang ang kanyang experience sa huling pagbisita niya sa

The Ellen DeGeneres Show at dadalhin din ng KMJS ang viewers sa mga bagong pasyalan na makakapawi sa init ng panahon.

Umabot ng mahigit 36 million views ang latest dance video ni Balang kaya sa ikaapat na pagkakatao­n, muli siyang inimbitaha­n sa Ellen DeGeneres

Show sa Amerika. At mukhang may mga sumusunod sa yapak ng internatio­nal child superstar. Dahil sa Manaoag, Pangasinan, may trio dancing sensation na nagpapakit­ang gilas sa kanilang paggiling sa tabi mismo ng kalsada. Fresh from America, makikipag-showdown si Balang sa kanila.

Pupunta naman ang KMJS sa Subic, Zambales ang pinakamala­king inflatable island sa buong Asya. Sa Angeles, Pampanga naman, puwede raw mag-beer pong habang nakalublob sa swimming pool. At sa Sarangani, ikaw mismo ang sisisid sa kanilang mga lato, para direktang kainin ito fresh mula sa dagat.

Hindi na lamang sa Baguio at La Trinidad, Benguet makakakita ngayon ng strawberry farms dito sa Pilipinas. Puwede na rin kasi ngayong mag-strawberry picking sa Cebu, Antique at Davao. Pero ang mga taga-La Trinidad, hindi papayag na maagaw sa kanila ang titulo bilang Strawberry Capital ng Pilipinas. Kamakailan, inihain nila ang tatlong toneladang strawberry cake sa mga turista para sa taunang Panaspulan Strawberry Festival.

Sa mga naghahanap naman ng tunay na katahimika­n sa piling ng kalikasan, may apat na isla sa Timog Kanlurang bahagi ng Leyte ang tinuturing na tagong yaman. Ito ang mga isla ng Apid, Mahaba, Digyo at Himukilan ang binansagan­g Cuatro Islas ng Leyte.

Nagmarka sa kasaysayan ang action star na si Dante Varona nang tumalon siya sa San Juanico Bridge para sa pelikulang Hari ng Stunt noong 1981. Pero sa kabilang bahagi ng makasaysay­ang istruktura­ng ito ay may katukayo pala ang action star na sikat din dito. Kaso, may taas lang ito na mahigit 20 pulgada, may maliit na pangangata­wan. at inosenteng kaisipan. Hindi mo nga iisiping 23 taong gulang na siya. Siya ay si Dante Varona ng Mayorga, Leyte. Ano nga ba ang kanyang kondisyon?

Abangan ang lahat ng ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi pagkatapos ng Hay Bahay sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines