Balita

Friendship nina Glaiza at Angelica, kahanga-hanga

- Ni NORA CALDERON

PAPUNTANG Singapore si Glaiza de Castro sa March 30 para manood ng concert ng Coldplay, ang sikat na British band headed by Chris Martin. Ang trip at concert ticket ay early Christmas gift kay Glaiza ng best friend niyang si Angelica Panganiban. At hindi lamang isa ang VIP ticket, dalawa pa.

Kahanga-hanga ang friendship na nabuo nina Glaiza at Angelica na nagsimula noong 2002, nang magkasama sila sa programang Berks noong Kapamilya pa si Glaiza.

Hindi raw naputol ang friendship nila kahit nagkahiwal­ay sila nang lumipat siya sa GMA Network, hanggang ngayon. Kaya very supportive din si Glaiza kay Angelica, anuman ang event ng kaibigan tulad ng premiere nights, dumadalo siya para sumuporta.

“Alam po ni Amiga (tawagan nila ni Angelica) na hindi ako papayagan ng mommy ko, na mag-isa lang akong bibiyahe,” sabi ni Glaiza. “Kaya talagang mas lalo akong nagulat na dalawa ang tickets na ipinadala niya. Kaya on my part naman, ako na ang nagpa-book ng hotel namin, nakakahiya­ng ipasagot ko pa lahat iyon sa kanya.”

Hindi nahirapang magpa-book ng hotel accommodat­ions si Glaiza dahil may sarili na siyang travel agency, ang Galura Travel Depot, na kabubukas lang last week at kasama niyang aalis ang kuya niya, ang actor ding si Alcris Galura. Tatagal sila roon hanggang April 2.

“Tamang-tama naman na Holy Week break na namin sa taping ng Encantadia pero maaga pa lamang ay humingi na rin ako ng bakasyon na four days sa taping namin, na medyo pahirap na nang pahirap dahil mas maraming pagbabagon­g mangyayari sa mga tauhan at sa kaharian ng Encantadia na hindi ninyo dapat palampasin.”

Sa mga Sang’gre ng Lireo, si Pirena ang pinakasery­oso dahil simula’t sapul, pangarap niyang siya ang maging reyna ng kaharian, pero hindi iyon nangyari. Pumalit sa ina nilang si Minea ( Marian Rivera) si Amihan ( Kylie Padilla) at bago namatay si Amihan, si Danaya ang ibinilin niyang papalit sa kanya kaya wala na naman si Pirena.

“Pero may inaabangan po sa akin ang mga netizens, bukod sa medyo bumait na ang character ko, iyong love life ko raw, dahil binigyan nila ako ng ka-partner dito, si Azulan ( Marx-Topacio). Kailan daw ang kissing scene namin, sabi ko abangan nila, siguro, kapag naayos na ang mga problema ng Lireo,” natatawang sabi ni Glaiza.

 ??  ?? Glaiza
Glaiza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines