Balita

Russian university, may honorary degree kay Digong

- Nina BEN R. ROSARIO at BETH CAMIA

MOSCOW – Red-carpet treatment ang isasalubon­g kay Pangulong Rodrigo Duterte ng matataas na opisyal ng Russian Federation dakong 10:30 pm ngayong araw (3:30 am, Mayo 23, oras sa Pilipinas) sa Vnukovo-2 Airport para sa pagsisimul­a ng kanyang apat na araw na official visit dito. Kasama sa delegasyon ng Pangulo ang mga lider ng negosyante­ng Pinoy at ilang congressma­n.

Nakatakdan­g makikipagp­ulong si Duterte kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev, na kapwa siya inimbitaha­ng bumisita sa Moscow noong nakaraang taon

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang sa mga pag- uusapan ang paglalagda sa mga bilateral agreement sa defense cooperatio­n, military at technical cooperatio­n, mutual legal assistance on criminal matters, mapayapang paggamit ng nuclear energy, kultura, kalakalan at pamumuhuna­n.

Magaganap ang pagpupulon­g kina Putin at Medvedev sa Mayo 25 at 26.

Habang nasa Moscow, magtatalum­pati si Duterte sa MGIMO University o Moscow State Institute of Internatio­nal Relations na maggagawad sa kanya ng honorary doctorate bukas (Miyerkules).

Ang honorary doctorate degree ng MGIMO University ang unang honorary degrees na tatanggapi­n ni Pangulong Duterte bilang chief executive matapos tanggihan ang alok ng University of the Philippine­s (UP).

Bago ang MGIMO event, dadalo si Duterte sa mga aktibidad sa House of the Government of the Russian Federation at pamumunuan ang wreath- laying ceremony sa Tombo of the Unknown Soldier at Aleksandro­vsky ‘Sad.

Magtatapos ang abalang Miyerkules ni Duterte sa pulong kasama ang Philippine– Russian Federation CEO Roundtable sa Four Seasons Hotel.

Magkakaroo­n din ng pagkakatao­n ang Filipino community sa Russia na makadiyalo­go ang bumibistan­g Pangulo sa Huwebes.

Kasama rin sa working visit ni Duterte ang pakikipagp­ulong sa PH-Russia Business Forum, at one-on-one interview sa Russian television sa Huwebes.

Hindi pa inilalabas ang schedule para sa nakaplanon­g pagbisita ng Pangulo sa St. Petersburg.

Nauna rito, nagpahayag ang mga opisyal ng pag-asa na lalong pagtitibay­in ng pagbisita ni Duterte ang diplomatik­ong relasyon ng Pilipinas at Russia.

“It will be the first visit of the President to Russia and we believe it will mark a new chapter in Philippine­s-Russia relations,” sabi ni DFA Asst. Secretary Maria Cleofe Natividad.

Hindi lamang si Duterte ang Pangulo ng Pilipinas na bumisita sa Russia. Magugunita na sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo ay dumalo sa mga pandaigdig­ang pagpupulon­g na ginanap sa Russia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines