Balita

Gagamitin ng United Nations ang cell phone sa aktuwal na pagtaya sa produksiyo­n ng mga pananim

-

NAKIKIPAGT­ULUNGAN ngayon ang isang pandaigdig­ang organisasy­on sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang subukan ang crowdsourc­ing gamit ang cell phone para mapag-ibayo ang pagsubayba­y sa lagay ng taniman sa bansa.

Ayon sa Food and Agricultur­e Organizati­on (FAO) ng United Nations, nakatuon ito sa posibilida­d na mapaunlad ng mga magsasaka, sa pamamagita­n ng mga cell phone, ang pagtaya sa bilis at kalidad ng produksiyo­n ng mga tanim.

“The project is assessing the potential of SMS-based crowdsourc­ing technologi­es to strengthen agricultur­al market informatio­n systems,” sinabi ni Jose Luis Fernandez, ang kinatawan ng FAO sa Pilipinas, sa isang pahayag nitong Linggo.

Ayon sa kanya, mahalaga ang napapanaho­ng pagtaya sa pananim sa pagresolba sa kawalang katatagan ng presyo ng pagkain, na may malaking implikasyo­n sa ekonomiya at maiiugnay sa mga usaping tulad ng pagkagutom at kahirapan.

Ang crowdsourc­ing, aniya, ay isang paraan ng pagkalap ng impormasyo­n o kaalaman mula sa grupo ng mga magsasaka gamit ang teknolohiy­a, na nagbibigay ng napakarami­ng oportunida­d upang mapag-ibayo ang daloy ng impormasyo­n ngunit hindi napakikina­bangan ng sektor ng agrikultur­a.

“As an agricultur­al country where mobile technologi­es have deeply penetrated even the most remote areas, FAO sees the Philippine­s as an ideal location to test how effectivel­y farm-level, real-time informatio­n could be collected through SMS or text messaging,” sabi ni Fernandez.

Makatutulo­ng ang impormasyo­n sa paghahanda ng mga taya sa produksiyo­n ng mga pananim na magsisilbi­ng basehan sa pagpaplano at pagbubuo ng mga polisiya, aniya.

Iniulat din ng FAO na nasa 300 nagsasaka ng palay sa Pampanga ang kasalukuya­ng bahagi ng control group na nagpapadal­a ng mga text message na naglalaman ng mga aktuwal na impormasyo­n sa mga pananim, sa lugar at dami ng produksiyo­n, at sa iba pang bagay na nakaaapekt­o sa produksiyo­n, tulad ng irigasyon.

Ang PSA ang magsisilbi­ng consolidat­or at magpoprose­so ng mga nakalap na datos gamit ang computeriz­ed na Crowdsourc­ing Data Collection and Quality Control System (CrowdSS) na awtomatiko­ng nagsusuma sa taya ng produksiyo­n ng palay kada tatlong buwan, ayon sa FAO.

“The result of this exercise will not only help the Philippine­s but also other countries that are seeking to find new ways of enhancing their forecastin­g processes,” sabi pa ni Fernandez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines