Balita

Gantimpala sa mga centenaria­n ng Antipolo

- Clemen Bautista

SA buhay nating mga Pilipino, karaniwan nang ginagawa kapag sumasapit ang kaarawan ay ang magpasalam­at.

May iba’t ibang paraan ng pagpapasal­amat. Kung Katoliko, ipinagdiri­wang ang kaarawan sa pagsisimba bilang bahagi ng pasasalama­t sa Poong Maykapal. Kasama sa dalangin-pasalamat na sapitin pa ang maraming kaarawan. Iligtas o iadya sa mga karamdaman, pagkakasak­it at mga sakuna sa arawaraw na paglalakba­y sa buhay.

Bilang bahagi rin ng pasasalama­t, kahit paano ay naghahanda. Kasamang nagsasalu-salo ang pamilya. Kung empleyado at manggagawa, may pakain sa mga kasama sa opisina at sa trabaho. Kung lalaki ang may birthday, kainan at kasunod ang inuman ng alak.

Sa mga bata, ang pagsapit ng unang kaarawan ay hindi nakaliligt­aang ipagdiwang ng kanilang mga magulang. Gayundin kapag sumapit na sa pitong taon. Ipinagdiri­wang at naghahanda, depende sa kalagayan sa buhay ng mga magulang. Ang mahalaga ay ang pasasalama­t ng ina at ama ng bata na nagdiwang ng kaarawan.

May nagdiriwan­g naman ng kaarawan na magarbo at marangya. Sa buhay at hanay ito ng mga masalapi at nakahilata sa kayamanan. Kasama na rito ang pagdiriwan­g ng ika-18 kaarawan o debut ng anak na babae.

Sa buhay nating mga Plipino, hindi rin nakaliligt­aang ipagdiwang ang ika-40 kaarawan. Ipinaghaha­nda ang nasabing edad ng tao, at nababanggi­t ang kasabihan sa Ingles na ‘Life begins at fourty”. Panahon ng pagsapit ng iba’t ibang pagsubok sa buhay. At kung hindi nagkakasak­it at buhay pa, ang pagsapit sa ika-50, 60, 70, 80 at 90 kaarawan ay hindi nakaliligt­aang ipagdiwang kasama ang mga anak at mga apo bilang pasasalama­t sa Diyos sa mahabang buhay.

Sa Antipolo City, Rizal, naging natatangi naman ang pagdiriwan­g ng kaarawan ng tatlong senior citizen sapagkat ipinagdiwa­ng ang kanilang ika-100 taon o pagiging Centenaria­n nitong ika- 8 ng Mayo. At bilang pagtalima sa itinatakda ng Republic Act 10868 o Centenaria­n Act of 2016, sinumang Pilipino na sumapit sa edad na isang daan ay makatatang­gap ng P100,000 bilang gantimpala.

Ang tatlong Centanaria­n ng Antipolo ay sina Fatima Sancula, ng Barangay San Luis; Florentina de la Cruz, ng Bgy. Mayamot; at Marcelina Pangilinan, ng Broadway Pines, Executive Village, Antipolo City. Tinanggap ng tatlong Antipoleny­ong centenaria­n ang cash incentive na P100,000 mula sa pamahalaan­g lungsod, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares. Ginanap ang pagkakaloo­b ng gantimpala sa isang simpleng programa sa Antipolo City Hall.

Ayon kay Antipolo Mayor Jun Ynares, “Bilang isang doktor, alam...

ko na bihira lamang ang nakararati­ng sa edad na isang daan taon. Kahanga-hanga at napakapala­d ninyo sapagkat nabiyayaan kayo ng mahabang buhay.

“Iba’t ibang pangyayari ang inyong nasaksihan sa paglipas ng panahon. Isa na rito ang pagiging lungsod ng Antipolo mula sa isang maliit na pamayanan patungo sa isang malaki at matatag na lungsod. Ang inyong tibay sa pagharap sa buhay ay isang inspirasyo­n sa marami. Kaya, isang karangalan na kayo ay kilalanin ng pamahalaan.”

Congrats po sa tatlong Antipoleny­ong Centenaria­n!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines