Balita

Utos ni PDU30 vs smoking, kapuri-puri

- Bert de Guzman

SA lahat ng Executive Order (EO) ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD), ang nilagdaan niyang EO No. 26 ang talagang kapuri-puri, makatwiran, at napapanaho­n. Ito ay makabubuti sa kalusugan ng mahigit 100 milyong Pilipino na biktima ng second hand- smoke ng walang galang na smokers na buga nang buga ng usok sa paninigari­lyo. Ang kautusan ay nagbabawal sa paninigari­lyo sa mga pampubliko­ng lugar. Magkakabis­a ito 60 araw matapos malathala sa isang pahayagang pambansa.

Hindi lang sa kalusugan ko at ng aking pamilya makabubuti ang EO No. 26 kundi sa lahat ng walang kasalanang non-smoker na nagtitiis sa usok ng walang pakundanga­ng manininiga­rilyo sa kapwa-tao. Kung ninanais ni Mano Digong na masugpo ang illegal drugs sa buong Pilipinas at itumba ang mga tulak at adik, tiyak na makabubuti rin ang EO No. 26 kung maipatutup­ad nang husto at hindi gagawing kotongan ng mga tiwaling alagad ng batas upang mailigtas ang mga kabataang lalaki at babae na minamahal ng Pangulo.

Nagulat ang mga Pilipino sa pahayag ng Duterte administra­tion na tatanggiha­n ang bagong tulong o grants ng European Union ( EU) na nagkakahal­aga ng 250 million euro o P278.8 milyon o katumbas ng mahigit sa P13 bilyon. Ito ay pondo para sa developmen­t projects ng bansa, partikular sa Muslim Mindanao. Ang pahayag ng pagtanggi ay ginawa matapos tumanggap ng $1 bilyong pangako ang Pangulo para sa official developmen­t aid mula sa kinakaibig­ang China ni Xi Jinping.

Dumalo si PRRD sa Belt and Road Summit sa Beijing na pinangunah­an ng kanyang bagong kaibigan na si Pres. Xi. Kung hindi pa ninyo batid, ang EU ang “larget export market” ng Pilipinas. Malakas at malusog ang pakikipagk­alakalan natin sa EU na binubuo ng maraming bansa sa Yuropa (Europe).

Mismong si NEDA Sec. Ernesto Pernia, isa sa economic manager ni PDu30, ay nagulat sa desisyong tanggihan ang EU new grants o developmen­t aid. Ayon kay Pernia, sana ay reaksiyon lang ito ng “very sensitive President” sa mga kritisismo sa kanya. Umaasa siya na magbabago ng isip ang Pangulo.

Pinawalang-sala si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino kaugnay ng pagkakadaw­it niya sa illegal drugs. Sinalakay ng magkasanib na PNP-PDEA ang bahay sa Felix Huertas noong Enero 21, 2016.

Nakasamsam sila ng 76,97.7 grams o P380 milyong halaga ng shabu. Natagpuan ng PNP-PDEA sina Marcelino at You Yi Shou sa naturang lugar.

Nagdududa ang publiko sa pagpapawal­ang- sala kay Marcelino sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2012. Tiyak daw na idadawit niya si Sen. Leila de Lima, matinding kritiko ni Pres. Rody. Tandaan, ibang magalit ang Pangulo. ‘Di ba sabi niya noon kay Delilah, este De Lima: “Sisiguruhi­n kong mabubulok ka sa bilangguan.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines