Balita

Kiko Estrada, nami-miss si Barbie

- Ni NORA CALDERON

TULAD ng amang si Gary ry Estrada, thankful si Kiko Estrada na napabilang siya sa cast ng Mulawin vs Ravena, , na hindi raw remake kundi sequel ng Mulawin. Role ni Rasmus na isang Mulawinawi­n ang ginampanan ng tatay niya.

“Pero dito, ako si Rafael, tao, , ewan ko lang kung magiging Mulawin o Ravena ako dahil may mga twists sa story,” kuwento ni Kiko. “Best friend ko rito si Almiro played by Derrick Monasterio pero magiging mortal kong kalaban dahil magiging love triangle kami ni Anya, played by Bea Binene. But off-camera, good friends kaming tatlo dahil nagkasamas­ama na kami noon pa sa Tween Hearts kaya magaan ang pagtatraba­ho namin.”

Inamin ni Kiko na matindi ang kanyang paghahanda para sa role niya, lagi siyang nasa gym, sumailalim sa martial arts training para sa fight scenes, dahil kailangang maging malakas si Rafael, pero hindi raw niya puwedeng i-reveal kung sino ang tunay niyang ama, pero si Chari Pineda ang gumaganap na ina niya.

Biniro namin si Kiko, hindi kaya si Gabriel ( Dennis Trillo) ang tunay niyang ama? Si Almiro kasi ay anak nina Alwina ( Heart Evangelist­a) at Aguiluz na ginampanan ni Richard Gutierrez noon pero namatay ito. Si Gabriel kasi ay tao na naging Ravena ngayon. Basta, marami raw aabangan habang pinapanood ang Mulawin vs Ravena.

Pagdating naman sa lovelife, zero pa rin daw, wala siyang nililigawa­n ngayon, priority niya ang trabaho. Pero hindi itinanggi ni Kiko na nanghihina­yang pa rin siya sa pagkakaudl­ot ng relasyon nila ni Barbie Forteza. Pagka-busy sa work ang dahilan ni Kiko kaya napabayaan niya ang relasyon nila ni Barbie. Matindi rin kasi ang role na ginampanan niya sa Sinungalin­g Mong Puso kaya naisaisant­abi niya ang love life niya. “Siguro po, ang wish ko na lang, magkasama kami muli ni Barbie sa isang project. She’s one of the best young actresses in the Philippine­s and I’m proud sa mga awards na iniuuwi niya para sa bansa, here and abroad. Ganoon naman ako, I want to work with talented actresses, so I want to work with her again, kahit sa work na lamang at hindi na niya ako muli tanggapin kung liligawan ko siya muli.” Bukod sa Mulawin vs Ravena, kapag may time si Kiko ay mahilig siyang magluto at madalas gumawa ng sariling recipe na ipinatitik­im muna niya sa mommy niya, si Cheska Diaz at kapag in- approve nito, iniluluto niya para sa kanilang pamilya. Pilot week na ngayon ng Mulawin vs Ravena na napapanood sa GMA- 7 pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Kiko
Kiko

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines