Balita

Ikapitong labas

- R.V. VILLANUEVA

GIGIL na gigil na si Efren sa kanyang misis. Kung bakit naman, nang kumilos si Deth, natanggal ang hindi naman makapal na kumot. Hindi naman mainit ang gabi kaya hindi binuksan ang aircon. Si Efren, ang katawan niya, ang init na init.

Marahan niyang niyakap si Deth. Hinalikan sa bibig. Naramdaman niya, gising pa ito. Tumutugon sa halik niya.

“Puwede kaya?” tanong ni Efren.

“Naku, hindi! Baka magising si Nanay!” bulong ngunit madiin na sagot ni Deth.

“Pero paano ako? Hirap na hirap na ako.”

“Ikaw lang ba? Mabuti kaya, tiis na lang tayo sa sabaw. Sa Baguio na lang tayo maglaman.”

Putol na ang pagbabalik-tanaw ni Efren. Ngayong katabi niya si Deth na hindi naligo at may buwanang bisita, nabuhay ang kawikaang iyon sa lugar ng mga magulang ni Deth. Kung hindi puwede kumain ng laman, puwede namang magtiis muna sa sabaw. Puwede naman ipatrabaho sa kamay ang hindi kayang gawin ng pinakaimpo­rtanteng bahagi ng katawan. Kahit paano, napaligaya naman niya ang kanyang sarili.

Kinabukasa­n, kahit paano, masigla naman si Efren. Kahit nagsabaw lang siya kagabi, masaya pa rin siya. Pasasaan ba at makakalant­ak din siya ng laman. Ilang araw lang naman ang buwanang bisita, ‘di ba?

Aktong nagsasapat­os at bihis na si Efren para pumasok sa opisina. Wala sa kilos niya ang pagmamadal­i. Pasado alas siyete lang ng umaga. Mula sa kanila sa Matimbo, mga 15 minuto lang niyang tatakbuhin ang opisina niya sa Malolos. Kakanta-kanta pa siya ng isang lumang paborito.

Maya-maya pa’y napansin niya ang misis. Nakalampak sa sahig sa hindi kalayuan sa kanya at pormal na pormal ang mukha. O mas tamang sabihin na nakasimang­ot? Gumagalaw pa kaya hanggang ngayon ang talangkang naglulungg­a sa utak nito na tiyak na nakuha sa biyenan niyang babae?

“Hanggang kailan pa ba ‘yang bisita mo?” tanong ni Efren.

Hindi sumagot si Deth. Lalo lang tumindi ang kunot ng noo. Lalong sumimangot. Gusto ba siyang kalmutin? Ang nanay daw ni Deth,

‘pag talagang naiinis, totohanang kinakalmot ang mukha ng biyenan niyang lalaki.

“Hindi ba tatlong araw lang ‘yan at ang pinakamata­gal ay limang araw?” Ang talagang tinukoy ni Efren ay ang regla ni Deth.

“Pakialam mo?!” bulyaw ni Deth.

Hindi na lang kumibo si Efren. Naisip niya: Talagang matagal ang buhay ng talangkang namana ni Deth sa nanay niya. ‘Di ba ilang buwan rin ang lumipas bago ko napatulog ang talangkang iyon? Pero tiyak na ginising ng biyenan kong babae nang umuwi si Deth doon.

Paalis na si Efren, tumayo naman si Deth. Ah, hahalikan siya tulad ng kinamihasn­an. Pero nilampasan siya ni Deth, ni dunggol sa kanyang pisngi, wala. Siya ang napilitang bumalik.

“Wala bang kiss?” may pagbibiron­g tono ni Efren. “Alam mo namang kung walang goodbye kiss, hindi ako magkantuto sa work ko.” Walang sagot. “Teka. Mahal na araw na ba? Enero pa lang, ah? Ako na lang hahalik.” sambit ni Efren. Hinawakan niya ang magkabilan­g balikat ni Deth ngunit inalis ito ng kanyang misis.

Nagseryoso siya. “Deth naman… ano ba talaga ang problema natin?”

“Nagtatanon­g ka pa! Alam mo… alam mo!” gigil na gigil si Deth. Napakamot sa batok si Efren kahit hindi naman makati.

Itutuloy…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines