Balita

‘ Non- issue’ sa pagtatangg­al ng rosaryo, itinanggi ng CBCP

- Vanne Elaine P. Terrazola at Leslie Ann G. Aquino

Sinabi kahapon ni Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ( LTFRB) Spokespers­on Atty. Aileen Lizada na ikinonsult­a niya sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) ang pagtatangg­al ng rosaryo at maliliit na santo sa dashboard ng sasakyan, na karaniwang makikita sa mga pampasaher­ong jeepney.

Paglilinaw niya, tanging mga mobile phone at iba pang electrical gadget ang saklaw ng pagbabawal ng Anti- Distracted Driving Act (ADDA), dahil ang mga rosaryo, mga mumunting imahen ng santo, at iba pang maaaring makasagaba­l sa paningin ng driver ay matagal nang ipinagbaba­wal sa Joint Administra­tive Order (JAO) 2014-01 ng Department of Transporta­tion (DOTr).

Sinabi ni Lizada na bilang Katoliko, kinonsulta niya si CBCP Secretary-General Msgr Marvin Mejia tungkol sa implementa­syon ng JAO.

Una nang pumalag ang isang opisyal ng CBCP sa pagpapaali­s sa mga rosaryo at iba pang relihiyoso­ng bagay sa dashboard ng sasakyan, sinabing hindi ang mga ito ang nagdudulot ng aksidente sa mga motorista.

“Per his (Mejia) guidance, he states that the Conference understand­s the implementa­tion of the said law as the same is for the safety of the motorists and finds it a non-issue as sacred symbols are still allowed inside the vehicle,” saad sa pahayag ni Lizada.

Gayunman, itinanggi mismo ni Mejia na pinayagan niya ang pagbabawal sa mga relihiyoso­ng bagay sa dashboard.

Ayon kay Mejia, tiniyak pa nga sa kanya ng LTFRB na walang “total prohibitio­n” sa mga relihiyoso­ng bagay na ipinapalam­uti sa mga sasakyan.

“In fact, we are being assured that there would be no prohibitio­n of religious items inside the car as long as it does not impede the driver’s line of sight,” saad niya sa CBCP News.

Bagamat inamin niyang kinonsulta siya ni Lizada, nang tawagan siya sa telepono nitong Lunes, tungkol sa ADDA, sinabi niyang “no talks about approval or something”. “Who are we?” sabi pa ni Mejia. Kaugnay nito, nanawagan si Mejia sa mga awtoridad na suriing mabuti ang ADDA upang maresolba ang maraming usaping may kinalaman sa kaligtasan ng mga motorista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines