Balita

19-anyos nagbigti sa selos

- Mary Ann Santiago

Nagbigti ang isang teenager matapos umanong pagselosan ang dating nobyo ng kanyang girlfriend sa Tondo, Maynila kahapon.

Bangkay na nang madiskubre si Jessie Campo, 19, tindero, sa loob ng inuupahan niyang kuwarto sa 574 Hermosa Extension, sa Tondo.

Sa imbestigas­yon ni SPO2 Donald Panaligan, ng Manila Police District- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), selos ang dahilan ng pagpapatiw­akal ng biktima, ayon na rin mismo sa pahayag ng nobya nito na si “Jen”, 21.

Sa sinumpaang salaysay ni Jen, bago nagpakamat­ay ang nobyo ay pasekreto umanong kinuha ng biktima ang kanyang cell phone at binasa ang mga text message.

“May nabasa siya na text ng ex-boyfriend ko na ‘Kumusta ka na, ingat ka palagi riyan, love you’ at pagbalik ko hindi na siya umiimik,” kuwento ni Jen.

Makalipas ang ilang oras ay tinawag ng biktima si Jen at sinabing tinatapos na nito ang kanilang relasyon, sa pag-aakalang niloloko siya ng nobya.

Tinangka umanong magpaliwan­ag ni Jen, ngunit hindi na umiimik ang biktima hanggang sa nagsara na ang mga pinagtatra­bahuhan nilang tindahan at pareho na silang umuwi.

Sa pagitan ng 7: 00 ng gabi hanggang 10:00 ng gabi ay paulitulit umanong tinawagan ni Jen ang biktima ngunit hindi nito sinasagot, kaya natulog na lamang ang una at nagdesisyo­ng bukas na lamang kakausapin.

Nagulat na lang umano si Jen nang mabalitaan­g nagpakamat­ay ang nobyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines