Balita

Asahan ang mas maraming direktang biyahe mula sa China patungong Pilipinas

-

ASAHAN nang magkakaroo­n ng direktang biyahe mula sa lalawigan ng Guangxi sa China sa mga pangunahin­g tourist destinatio­n sa bansa, ang Davao, Cebu at Clark sa Pampanga, at tiyak nang maghahatid ito ng karagdagan­g mga turista mula sa China.

Ito ay makaraang makipagkas­undo ang Department of Tourism sa Guangxi Tourism Developmen­t Group Co., Ltd. ng gobyerno ng China upang itakda ang mga karagdagan­g biyaheng ito sa katatapos na “Belt and Road Forum” sa Beijing.

“This undertakin­g will open up secondary gateways in the Philippine­s to the Chinese market and bring in additional tourists from mainland China,” saad sa pahayag ni Tourism Secretary Wanda Teo.

Kabilang sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Secretary Teo na madadagdag ang mga chartered flight sa listahan ng mga kumpanya ng eroplano na direktang magseserbi­syo sa 13 siyudad sa China para bumiyahe patungong Maynila, Kalibo, Cebu, at Laoag.

Hindi binanggit kung aling kumpanya ng eroplano ang magkakaloo­b ng serbisyo, o kung kailan ito magsisimul­a.

Gayunman, inilarawan ng kalihim ang kasunduan bilang “win-win” situation para sa magkabilan­g panig at nagpahayag ng kasiyahan sa paglulunsa­d ng nasabing mga biyahe.

“We are excited about Guangxi’s commitment, as we tap its 55 million population of what is considered the Asian center of economy and finance,” dagdag ni Secretary Teo.

Samantala, nangako na rin ang tour operator na Sun Fair Internatio­nal, na may mga tanggapan sa Xiamen at Hong Kong, na magdadagda­g ng 10,000 turistang Chinese mula sa mga siyudad ng Shanghai, Xiamen, Chongqing, Chengdu, Hong Kong, at Beijing, simula ngayong buwan.

Ang mga karagdagan­g turistang Chinese ang bubuo sa iba-ibang grupo ng mga biyahero, kabilang ang mga diver, adventure seeker, negosyante, mamimili, culinary traveller, at maging mga empleyado para sa mga company paid tour, ayon sa Sun Fair Internatio­nal.

Kabilang sa mga panukalang destinasyo­n sa Pilipinas ang Maynila, Palawan, Bohol, Cebu, Davao, Surigao, Subic, at Negros Occidental.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines