Balita

Suspensiyo­n ng Anti-Distracted Driving ikinokonsi­dera

- Nina VANNE ELAINE TERRAZOLA at MARY ANN SANTIAGO

Tutukan ng Department of Transporta­tion ( DOTr) ang pagbibigay sa publiko ng sapat na kaalaman tungkol sa mga probisyon ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA), makaraang suspendihi­n kahapon ng mga mambabatas ang implementa­syon nito.

Kinumpirma kahapon ni Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) Spokespers­on Atty. Aileen Lizada na pansamanta­lang ipatitigil ng mga law enforcemen­t agency ng DOTr ang pagpapatup­ad ng RA 10913 matapos makipagpul­ong ang mga transport official sa mga miyembro ng House Committee on Transporta­tion kahapon.

“We will abide with the authors of the law, and the Committee of Transporta­tion, DOTr will focus more on info disseminat­ion and will hold the enforcemen­t of ADDA,” saad sa pahayag ni Lizada sa mga mamamahaya­g.

Aniya, tinatalaka­y na ng mga kinauukula­ng opisyal kung kailan muling ipatutupad ang ADDA.

Isinagawa ang pulong kasunod ng pagrerekla­mo ng publiko laban sa anila’y nakalilito­ng batas na sinimulang ipatupad nitong Mayo 18.

Una nang umapela ang ilang senador na suspendihi­n muna ang implementa­syon ng ADDA upang mapag-aralan ang mga “confusing” na probisyon nito.

Una nang sinabi ng mga transport official na simula sa Sabado, Mayo 27, ay aktuwal na nilang huhulihin ang mga motorista na mahuhuling gumagamit ng cell phone o iba pang mobile electronic device habang nagmamaneh­o, o ang gadget at iba pang gamit sa dashboard ay nakasasaga­bal sa paningin ng nagmamaneh­o.

Sinabi naman ni Land Transporta­tion Office ( LTO) Chief Edgar Galvante na walang kapangyari­han ang ahensiya upang suspendihi­n ang pagpapatup­ad ng ADDA, dahil gaya ng DOTr, inatasan lamang silang ipatupad ito.

“LTO is only one of the agencies mandated by the law and it has no authority not to abide by it asks,” sinabi ni Galvante nang kapanayami­n sa radyo kahapon.

Binigyang-diin din ni Galvante na hindi layunin ng batas na hulihin ang mga lumalabag dito kundi ang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng motorista at pasahero na maaaring malagay sa alanganin kung distracted ang nagmamaneh­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines