Balita

Mahabang pila sa MRT matagal pang titiisin

- Leonel M. Abasola

Malaki ang posibilida­d na tatagal pa ang pila sa Metro Rail Transit (MRT)-3 dahil hindi pa magagamit ang 48 Dalian coach, at dalawa pa lamang sa mga ito ang nagagawa.

Sa pagdinig kahapon ng Senate committee on public services, inamin ni Department of Transporta­tion (DOTr) Usec. for Rail Sector Ceasar Chavez na malabong magamit pa ang 48 Dalian coach hanggang sa susunod na taon.

Ang mga nasabing bagon ay binili ng nakaraang administra­syon at bahagi ng P3.8-bilyon kontrata, pero hind pa rin magamit dahil hindi angkop ang mga ito sa riles ng MRT kaya kinakailan­gan ng total replacemen­t ng signaling system.

Inihayag din ni Chavez ang mga paglabag sa kontrata ng mga dating opisyal ng DOTr at MRT-3 sa pagbili ng 48 na bagon na hindi ngayon mapakinaba­ngan.

Batay sa pagsusuri ng DOTr, sa tulong ng mga eksperto, dapat na aniyang i-terminate ang maintenanc­e provider ng MRT-3 dahil sa halos araw-araw na aberya ng MRT na nakapeperh­uwisyo sa libu-libong pasahero.

Aniya, plano ni DOTr Secretary Arthur Tugade na lumiham sa Commission on Audit (COA) para suriin ang mga nakaraang bidding at mapanagot ang mga nagkasala sa kapalpakan ng mga nakaraang bidding.

Sinabi pa ng opisyal na pinagaaral­an din nila kung gagawing pribado na lamang ang maintenanc­e ng MRT-3 upang tuluyan nang mawala ang kontrata ng Busan Universal Rail Incorporat­ed (BURI), ang kasalukuya­ng maintenanc­e provider nito.

Aniya, mas mainam na isailalim ang MRT-3 sa pamamahala ng Light Rail Transit Authority (LRTA.

Nabunyag din sa pagdinig na umaabot sa 5% ang tinanggap umano ng mga dating opisyal ng noon ay Department of Transporta­tion and Communicat­ion (DoTC).

Ayon kay dating MRT- 3 General Manager Al Vitangcol, nakikialam ang isang Marlo Dela Cruz sa kontrata sa MRT-3, na nagpakilal­ang miyembro ng Liberal Party sa Ilocos.

Sa kabila ng pag- amin ni Vitangcol hindi naman niya mapangalan­an kung sino ang mataas na opisyal na tinutukoy ni Dela Cruz na nasa likod nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines