Balita

Duterte, Medvedev palalakasi­n ang relasyong PH-Russia

- Ni BEN R. ROSARIO

MOSCOW, Russia – Inaasam nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev na lalo pang lumakas ang diplomatic ties sa kanilang bilateral talks sa White House ng Russia dito ngayong araw.

Magaganap naman ang pakikipagp­ulong ni Duterte sa kanyang “favorite hero” na si President Vladimir Putin sa Huwebes (Mayo 25), at pagtitibay­in ng dalawang lider ang kanilang personal na relasyon at ugnayan ng kanilang mga bansa.

Gaganapin ang Duterte-Medvedev dialogue sa Study Room ng House of the Government ng Russian Federation, kilala dito bilang White House. Si Medvedev, 52, ang pangulo ng Russia nang si Putin ay prime minister ng bansa mula 2008 hanggang 2012. Itinalaga siyang prime minister nang mahalal na pangulo si Putin.

Nagsimula ang diplomatic ties ng Pilipinas at Russia may 41 taon na ang nakalipas ngunit hindi ito gaanong lumago. Sa pagbisita ni Duterte ay inaasahang sisigla ang matamlay na relasyon sa pagsisikap ng Pilipinas na magkaroon ng iba pang kaalyansa bukod sa United States na matagal na nitong kaalyado.

Dumating ang delegasyon ni Duterte kasama ang matataas na opisyal ng pamahalaan at mga lider negosyante sa Pilipinas nitong Lunes para sa apat na araw na pagbisita sa imbitasyon nina Medvedev at Putin.

Tumanggap ang delegasyon ng Pilipinas ng red carpet welcome sa sa Vnukovo Internatio­nal Airport sa kabisera ng Russia dakong 4:00 ng umaga kahapon. Sinalubong sila ng grupo ng matataas na Russian diplomats sa pangunguna ni Foreign Minister Sergey Lavrov.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines