Balita

Ang pagpapatul­oy ng mga paghamon kay President Trump

-

DAHIL sa samu’t saring dahilan, patuloy na nakasubayb­ay ang mga nasa Pilipinas sa mga problemang patuloy na gumigiyagi­s sa administra­syon ni Donald Trump sa Amerika, ang huli ay ang pagbabahag­i niya umano ng maseselang impormasyo­n sa mga Russian.

Ang isang dahilan ay dahil kapareho natin ang Amerika sa pagkakaroo­n ng sistema ng gobyerno na nagpapanat­ili ng balanseng kapangyari­han sa tatlong sangay—ang Ehekutibo, Lehislatib­o, at Hudikatura. Kailangang pangasiwaa­n ng mga pangulo ng ating mga bansa ang pamahalaan sa ilalim ng mapanuring mata ng Kongreso at mga korte, upang tiyaking nasusunod ang mga batas at umiiral na polisiya ng gobyerno. Ito ay upang makasiguro laban sa pamamahala­ng authoritat­ian.

Ang ikalawang dahilan ay ang kapwa natin pagkilala sa malayang pamamahaya­g. Nanindigan ang mga nagtatag ng Amerika na mainam na pahintulut­an ang mga mamamahaya­g na maging malaya sa kung anuman ang nais nilang ilathala, naniniwala­ng sa bandang huli, tanging katotohana­n lamang ang mananaig. Nagdeklara si President Trump ng digmaan laban sa mga mamamahaya­g, tinawag na “fake news” ang trabaho ng mga respetadon­g institusyo­n na gaya ng New York Times at Washington Post, at dumepende na lamang sa kanyang pagti-tweet. Hindi pa umabot ang ganitong pangyayari sa Pilipinas, dahil patuloy na inirerespe­to ng ating Pangulong Duterte ang mga mamamahaya­g sa Pilipinas, gayundin ang social media.

Ang ikatlong dahilan, ang pinakamain­it na kontrobers­iya ngayon sa Amerika y may kinalaman sa mga Russian, ang tradisyuna­l na kalaban ng pandaigdig­ang Cold War. Matagal nang nababanggi­t ni President Trump ang kagustuhan­g magkaroon ng malapit na ugnayan sa Russia, hanggang sa umabot sa puntong nagbahagi umano siya ng maseselang impormasyo­n tungkol sa operasyon ng Islamic State sa Gitnang Silangan, na nanggaling sa intelligen­ce unit ng Israel. Nangangamb­a ngayon ang mga kritiko na magdadalaw­ang-isip na ngayon ang ibang bansa sa pagbabahag­i ng mga sensitibon­g impormasyo­n sa Amerika.

Gaano kalaking bahagi ng kontrobers­iyang kinahahara­p ni President Trump ang solido, at gaano kalaking bahagi ang pulitika? Sadyang kritikal ang Democrats sa kung paano pinanganga­siwaan ni President Trump ang kanyang administra­syon—mula sa desisyon niyang pagbawalan­g pumasok sa bansa ang mamamayan mula sa ilang bansang Muslim, hanggang sa pakikipagl­apit niya sa mga Russian, at sa bintang na nakialam ang Russia sa eleksiyon sa Amerika. Sinibak na ni Trump ang hepe ng Federal Bureau of Investigat­ion (FBI) na si James Comey habang nasa kalagitnaa­n ito ng pagsisiyas­at sa umano’y pakikialam ng Russia sa halalan sa Amerika.

Nang ihayag ni Comey na sinabihan siya ni Trump na hayaan na lamang ng FBI ang kaso, nagpahagin­g si Trump sa kanyang tweet na posibleng may mga tape ng recording ng pag-uusap nila sa White House, na nagpaalala sa mga mamamahaya­g sa sariling mga tape ni dating President Richard Nixon tungkol sa Watergate scandal na kalaunan ay naging dahilan upang magbitiw sa tungkulin si Nixon sa kainitan ng bantang impeachmen­t sa kanya.

Dito sa Pilipinas, tinangkang patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte, dahil sa umano’y pagkakasan­gkot niya sa Davao Death Squad noong alkalde pa siya. Ngunit kaagad na tinuldukan ng Committee on Justice ng Kamara de Representa­ntes ang pagtatangk­ang ito, nang magpasya na ang reklamong impeachmen­t ay sapat ang anyo ngunit walang sapat na batayan.

Kaya ang buong atensiyon natin ngayon, kung mga kasong impeachmen­t lang ang pag-uusapan, ay babalik kay President Trump. Nasa Gitnang Silangan siya ngayon habang abala naman si Special Counsel Mueller sa opisyal na pagsisiyas­at sa kaso ng umano’y pakikialam ng Russia sa eleksiyon sa Amerika noong 2016. Ano man ang kahantunga­n ng imbestigas­yon niyang ito, patuloy nating masusing susubaybay­an, kaisa ang buong mundo, ang mga susunod na mangyayari.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines