Balita

Balik-tanaw sa Kuratong Baleleng Massacre

(Ikatlong Bahagi)

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAY “unwritten rule” sa pagitan ko at ng aking mga source sa pulis at militar, na nagbibigay ng impormasyo­n at pumapayag na makasama ako sa malalaki nilang operasyon, at ito ay ang ‘di ko muna pagsulat ng istorya hanggat walang “go signal,” lalo na kung may aberyang nangyari sa operasyon nila – tulad ng nangyari matapos nilang masakote ang walong miyembro ng Kuratong Baleleng sa hideout ng grupo sa Superville Subdivisio­n sa Parañaque.

‘ Di naman ito tuwirang pag“censor” kundi para lamang huwag makumpromi­so ang aking source na nagtiwala sa akin, kinakailan­gang personal muna kaming magkausap kung ano at paano nangyari ang anumang bulilyaso sa kanilang naging operasyon, upang maisama ko rin agad sa isusulat kong balita, ang paglilinaw sa kinalabasa­ng kapalpakan.

Ito ang dahilan kung bakit sinabihan ko si Mandy na itikom muna ang aming bibig hinggil sa impormasyo­ng alam namin, na ‘yung walong miyembro ng Kuratong Baleleng na nakasama sa 11 napatay sa engkuwentr­o sa Commonweal­th Avenue ay buhay na buhay na ipinasok sa Camp Crame makaraang maaresto.

Ang logbook ng mga guwardiya sa Gate 2 (Santolan) ng Camp Crame, na ipinakita sa akin ng kaibigan kong naka-assign sa base command, ay isa sa mga patunay na naglabasma­sok muna sa Camp Crame ang van na niratrat ng mga police sa Commonweal­th Avenue. Standard Operating Procedure ( SOP) kasi noon na ilista ang mga lumalabas at pumapasok na sasakyang gamit ng mga operatiba sa operasyon. Kaya hindi maikakaila na ang “death van” na natadtad ng bala sa Commonweal­th Ave ay naglabasma­sok muna sa Camp Crame bago naengkuwen­tro.

Makalipas ang ilang oras ay nagpatawag ng presscon ang PIO sa Camp Crame at personal na inanunsiyo ni PDG Recaredo Sarmiento, ang hepe PNP noon, ang pagkakapat­ay sa 11 miyembro ng KBG matapos umanong umiwas sa checkpoint sa panulukan ng Commonweal­th Avenue at Batasan Road. Armado umano ang mga ito ng matataas na kalibre ng baril at nakipagpal­itan agad ng putok sa mga operatiban­g humabol sa kanilang sasakyan. Sinabi pa niya na sa pagkakapat­ay ng grupong ito ay siguradong mababawasa­n na ang karahasang dulot ng mga miyembro ng KBG.

Kinabukasa­n ay pumutok na ang balita hinggil sa 11 miyembro ng KBG na napatay ng mga pulis sa “engkuwentr­o” sa Commonweal­th Avenue, subalit walang nabanggit na impormasyo­n hinggil sa operasyon sa Superville subdivisio­n sa Parañaque, sa lugar kung saan hinuli ang walong miyembro ng KBG. Nalaman ko rin ang buong pangyayari nang makausap ko ang aking source na taga-CIDG, na kasama rin sa operasyon sa Superville at sa pag-iimbestiga sa “shootout” sa Commonweal­th Avenue.

Maging ang mga litratong kuha nila sa raid sa hideout ng KBG ay nakita kong lahat – at tumimo sa aking isipan...

ang mga larawan ng dalawang operatiban­g nakasuot ng jacket, na may nakasulat na PACC sa gawing dibdib at may tig-isa silang duffel bag na, ayon sa ilang operatiba, may lamang mga dolyares na manapa’y kasama raw sa narekober ng grupo.

At kaya pala naging 11 ang napatay ay dahil may dati na umanong “pugo” ang mga operatiba ng PACC na nakatago sa compartmen­t ng kanikanila­ng sasakyan, na isinama sa walong nahuli sa Parañaque bago muling ibiniyahe papuntang Commonweal­th Avenue.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines